Ako: K. Good Night.
Siya: Good Night Din. Sweet dreams, Joan. :)Ganun nalang yun? Di man lang nag Explain?
Awch, EXPECT PA M.O.R.E.
Pagkatapos ko mabasa yung message niya, nilagay ko na yung phone ko sa ilalim ng unan ko.
"Ano kaya nakain ng taong yun? Yuck. Makatulog na nga lang."
*Kinabukasan
Urgh, pano ko siya haharapin niyan ngayon?
Awkward Moment101 ganun? Tss
As usual, Pasok sa room. Klase. Kinig. Sagot. Uwi. Kain. Ganyan naman talaga yan diba?
Kaya ngayon, Lunch time na.
Pwe, buti nalang talaga at nakayanan ko pa maging #Emotionless101 kanina sa tuwing nakikita ko siya. Yun bang parang wala akong nalaman na confession niya sakin. Haha.Bahala siya. Makapal mukha ko ewan ko nalang nung sa kanya, Haha
"So,"-Allyssa sabay tingin sakin. Problema nito?
"What?" taas kilay na tanong ko.
"Ano yung topic niyo kagabi ni joshua?"-Allyssa.Paano niya nalaman na textmate kami? Nako, May nangyayaring iba dito. Chos.
"Uhh, wala naman?" balewalang sagot ko. Sino ba naman kasi siya para sagutin ko ng maayos? Lol, Joke ulit. HAHA
"Sus, aminin na . Ano?"-Nina tapos Tinaas-baba pa yung kilay niya.wala akong kawala pag ganito na. Mahirap na mag-deny sa mga kaibigan mong ang may common sense at Humor.
"Hmm, Fine. He confessed that he likes me."-ako sabi ko tapos nagtakip ng panyo sa mukha ko. Erks, nakakahiya. -_-
"TALAGA?"-Allyssa,Nina,Shenna,Switzel. At talagang sabay pa sila ha!Bakit ba ang big deal nun para sa kanila?
"Bahala nga kayo. Ay teka, nagtext siya." sabi ko at binasa yung message niya.
From: Joshua Tan
-Kain kana joan :)
"Ano sabi?"-Sila. Mga chesmosa talaga tong mga kaibigan ko. -_- Mas excited pa sa akin. Ay wait.. Ako excited sa message niya? No way.
"Wala, Kumain na daw ako. Ganun naman talaga yun e."-ako tapos sumubo ng pagkain ko. Panira kasi tong mga kaibigan ko. Alam na kumakain kami e putak naman ng putak.
"Ahh, Okaaay. So like mo rin siya?"-sila. bakit ba palagi silang sabay? Nagtataka na ako.
"Ha? Hindi no. Kumain na nga lang kayo." sabi ko tapos di na sila pinansin.
Kaya yun nga, Di na natigil yung tukso-tukso. Ewan. Kainis hanggang matapos yung last subject namin feeling ko talaga may tumititig sa akin. Alam mo yun, yung feeling na hindi ka komportable dahil feeling mo may mali or may something sa paligid mo.Shit, dahil talaga to kay joshua e!
Teka, bakit ba puro nalang ako Joshua?
Haaay.
"Bye guys."-Allyssa
"Ba-byee"-sila.
Kakatapos lang ng last subject namin kaya heto kami, naglalakad papuntang Bus Stop at Excuse me, Kasabay si Joshua. Urgh.Masyado bang madali? ganun talaga. :p
Wala naman, Sumabay lang sila ni Charles samin, dun daw kasi ang daan pauwi sa kanila e.
Pero si Charles AKA PimpolsOverload naman ayun, Parang hatid na daw yun. Gagu yun sarap hambalusin ng blabla.
Hanggang sa makarating kaming bus stop, buti nalang talaga at may dumating agad na bus kaya hindi na kami nag tagal pa dun.Nahi-highblood kasi ako pag-nakikita ko siya.
"Bye Joan."-joshua tapos Nag wave siya ng hands.
"Yuh."-ako tapos flip ng hair at sumakay na sa bus.
Totoo kaya yung sinasabi nila na #The More You Hate, The More You LOVE?Hindi ko naman siya hate eh, Nakakainis lang talaga siya.
Pareho lang ba yun? O.o
--
Hi, salamat sa pagbabasa! :) Sana ay natuwa ka. Hihi. Uso po mag-vote at comment. XD Love youuu~
-FG
BINABASA MO ANG
Assuming Love Paasa= Boom, FRIENDZONED [COMPLETED]
Acak"Wala rin namang patutunguhan, Mabuting itigil nalang, Hindi pwedeng Forever mo nalang akong pinapaasa habang ako naman nag papakatanga at nag AASSUME!" -Katheryna Joan "Hintayin mo lang ako." -Karl Joshua "Hindi habang Buhay siya lang ang pwede mon...