3rd week of classes- Monday
Lunes na naman! Ewan ko nalang! -_-
Ewan ko din kung magbabago na yung lokong Joshua Tan na yon. Nakakaninis na kasi talaga siya. Papansin masyado. Wala na siyang ginawa nung mga nakaraang araw kundi ang inisin at magpa-pansin sa akin.Para siyang kuto, Ang sarap tirisin. Letshe talaga.
Pagdating ko sa room ayon, sira na kaagad araw ko. Mukha ba naman nung unggoy na Tan na yun ang sumalubong sa akin? Nyeta talaga. As usual, Discuss Discuss. Ang boring masyado talaga! -_______- Kung hindi lang major subject to baka nag-cutting class na ako. JOKE. Good girl po ako. HAHA.
Natapos na yung tatlong subjects ko sa morning at heto kami ngayon kumakain ng lunch kasama si Micaela, Nina, Shenna, Switzel at Cyra. Poor kami kaya karenderia lang afford namin.
Poor daw nag HRM nga eh. hahaha Dejoke lang.
"Joan, May something talaga yung joshua na yun." sabi ni Micaela habang kumakain kami.
Ayan, Nawalan ako nang gana. Narinig ko pangalan nung ungoy e. Pinsan kong to, minsan ang sarap sipain.
"Ano ba, wag mo e open yung topic kay!" sabi ko kay micaela at pinagpatuloy ko yung pagkakain ko kahit na labag sa loob ko, echosera. Haha
"Sus, guilty ka masyado. May gusto ka sa kanya no?" tukso pa niya. Naman, kung di ko pinsan to malamang nasapak ko na to.
"Pinsan naman e! Ano ba yang kinakain mo at kung ano ano nalang pinagsasabi mo?" sabi ko.
"Sorry naman, curious e. Sige na nga kumain nalang tayo."-siya.
"Teka, nag usap kayo kanina. Close kayo?"-ako. Shets, Halata ba na curious ako?
"Medjo?"-siya
"Ah? Ano pinag-usapan niyo?"-ako. Yan, HALATA NA TALAGA AKO.
"Wala naman. Simple things lang :)"-siya. At napakalaking smile ang binigay niya samin. Loka lang.
Yung apat naman ngiti ngiti lang. May iniisip talaga tong mga to. Ewan ko nalang.baka bina-Back bite na nila ako? NOOOOOOO!
Joke, bakit ang hilig ko mag imagine ngayon? Tsk.
Pagbalik namin ng room, English101 naman, Nako, boring talaga! Walang ni isang word ang nag sisink-in sa utak ko! -________- Grabe kasi maka-english yung Instructor namin e. Halos dumugo na ilong ko. Wala pa naman akong tissue. -_-
After 3 hours.
"Gahd! Maloloka ako sa English101 na yan! Nagkakabrain damage ako." sabi ko sa mga barkada ko. Sila naman tiningnan lang ako.
Palibhasa kasi mga matatalino kaya ayan, OP ako. Di sila maka-relate. Poor me. JUJU.
"Anong klaseng tingin yan guys?" sabi ko sa kanila. Change Topic. Lol
"Kung nagkaka brain damage kana dahil sa English pano nalang kaya mamaya sa Personality Development natin?"-Uriko. Isa pa to, akala mo sinong matalino. HAHA, joke, matalino talaga siya.
"Patay, Oral na naman pala mamaya. Tara study muna tayo."-Shenna
Sumunod naman kami sa kanya. Nyeta, Mamatay ako nito e. AYAW KO NA MAG ARAL! T^T
"Joan, Anong mukha yan?"-Switzel.Imbis na sagutin siya at nilagpasan ko na siya at nagmadalin maglakad. Kainis, ARAL ARAL pa e may alam naman na kami. Lol. Joke ulit.
As usual. Andito kami ngayon sa Covered court at nangongopya nang assignment para sa Personality Subject namin. Mabuti nalang talaga at matatalino at mababait tong si Shenna at Nina. Naka kopya pa ako. Hahaha. Excuse me, Good Girl talaga ako pero sadyang tinatamad ako ngayon kaya kokopya muna ako. Lol
"Wala kasi talagang pumasok sa utak ko, Pano ako makakasagot mamaya? Haayst" sabi ko at nagpatuloy nalang sa pangongopya. Less than 10 minutes nalang kasi at Personality Subject na namin.
Di naman na nila ako pinansin kaya ayos na yon para maka concentrate naman ako dito.
-------------------
"Hay nakaraos din!" sigaw ko paglabas nang classroom. Kakatapos lang nang Oral Recitation namin sa Personality subject.
Actually, Hindi ako kontento sa sinagot ko. Pano ba naman tawagin ka nalang basta basta at kung ano ano nalang ang tinatanong sayo at hindi ka binibigyan ng oras para mag isip, Sino ba ang hindi maloloka dun?Grabe lang, ganito ba talaga pag HRM student ka? Kainis.
"Tara CC tayo, May isang oras pa tayong vacant."-nina. Ang hilig niya talagang tumambay sa Covered Court, Kung alam ko lang pagkain ang habol niyan sa CC.
Kaya ayon tumambay kami buong klase sa CC naghihintay sa last subject namin.Chikahan here, There, Everywhere. Ang mga HRM talaga mga bungagera. HAHAHA.
30 Minutes after ...
"YES! Walang klase guys!"-Charles shouted. Abnormal ata yung lalaking yun. Basta basta nalang sumisigaw. Tsk. Palibhasa sikat. Sikat dahil sa OVERLOAD PIMPOLS NIYA. HAHAHA. Joke, sikat talaga yan. Player e.
"Sinong may sabi?"-Unknown classmate ko. Di ko kasi alam name niya. Di ko siya bet e. Joke.
"tanga, Bumasa nga kayo nang messages sa phone niyo." sabi niya. "tapon niyo nalang cellphone niyo!" Sigaw niya pa. Loko talaga yun.
At ayun nga, nag text yung instructor namin, Di daw siya makakarating. Ang saya nga e kaso may sabit. Ang raming iniwan na assignment. -________-
"Guys! Pahingi number niyo!"-Shenna
"Ako rin! Pahingi."-Cyra
Kaya ayun, Nagbigayan kami ng mga Phone numbers namin :)
Iniisip niyo siguro na may naghingi rin ako ng number niya noh?
Excuse me, hanggang pag-iisip nalang kayo, never ako hihingi ng number ng Unggoy nayun.
Pagkatapos namin magbigayan ng number nagpasya na kaming umuwi. Just a Boring day.
*Bzzzzt
One new Text Message From : Unknown
Unknown: Hi.
"Sino naman tong number na to? Psh."-ako
"Hoy joan, gaga lang? Kinakausap cellphone? Pauso ha."-ate Rica
"Gaga lang din? Di pwedeng may tumatawag?"-ako
"May tumatawag? So ganun nalipat na sa bibig mo yung tenga mo?"-ate rica sabay labas ng kwarto.
Gaga yun, Nalipat ang tenga ko sa bibig ko?
Kasi naman magpapalusot na nga lang sablay pa. Nilagay ko kasi sa harap ng baba ko yung phone habang nagsasalita kanina. XD
To: Unknown
-Sino to?
Unknown: Hi joan, its me Joshua Tan :)
"What the F?!"-ako
"Hoy joan, nabubuang kana talaga. Kinakausap sarili? Pauso?"-Ate rica.
Kainis to. Basta basta nalang sumusulpot.
"Ano ba ate! Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto?"-ako
"MALAMANG MATUTULOG!"-Siya at humiga sa kama niya.
Dis-advantage pag may kasama sa kwarto. -__________________-
Humiga nalang din ako at nagtalukbong ng kumot.
Kainis. Pano niya naman nakuha number ko?! Tss
Malamang joan! Nagbigayan kaya kayo ng number kanina! Gaga lang?
Ano ba to.
Ako: Okay.
Siya: Joan :)
Ako: Bakit ba?
Siya: Wala :)
Ako: Psh. K.
Siya: Hoy joan. :(
Ako: GAGO KA BA? MAY SIRA SA UTAK? PROBLEMA MO UY?
Siya: May boyfriend ka?
Gagu to. Anong nakain at tinanong ako ng ganon?
Ako: Wala.
Siya: Eh? Sa ganda mong yan wala kang boyfriend?
"HAHAHAHAHA!"-ako
"Huy joan, magpatulog ka naman uy. Gabi na."-Ate rica
Nakalimutan ko, may kasama pala ako sa kwarto. -,-
"Sorry naman."-ako
Hindi ko na pinansin yung sinabi ng ate ko at nag text ulit kay Unggoy,
Ako: Lokohin mo lelang mo.
Siya: De nga, totoo. Wala talaga?
Ako: Kulit mo aa. Naiinis na ako.
5 minutes...
10 minutes...
Ay? Wala na planong mag reply? Tsk
Ako: Hoy, may itatanong ako.
1 Minute
Siya: Ano?
Kita mo to, nagreply agad. Psh
Ako: Ano pinag-usapan niyo ng pinsan ko kanina?
Nililigawan mo ba siya?
-SEND
"OW! Stupid joan! 'bat mo ba tinanong yun? Gaga."-ako
"JOAN! Sabi nang mapgpatulog e!"-Ate Rica
Bahala ka sa buhay mo, matulog ka kung gusto mo. Kahit habang buhay pa. Tss JOOOOKE. HAHA
*Bzzt
Siya: Hindi no.
Siya: Pinag-usapan ka namin.
Ako: So ganun? You're talking bad things about me?
Siya: Hindi uy. Sinabi ko lang sa kanya na ..Pa-thrill thrill pa e. E-ThreadMill ko siya, kuha niya. -_-
Ako: *Nervous* Ano?
Siya: Na bet kita.
Ako: PINAGPUPUSTAHAN NIYO KO?!!!!!!!!!!!!
Siya: No no, I mean LIKE kita.
O________O
BINABASA MO ANG
Assuming Love Paasa= Boom, FRIENDZONED [COMPLETED]
عشوائي"Wala rin namang patutunguhan, Mabuting itigil nalang, Hindi pwedeng Forever mo nalang akong pinapaasa habang ako naman nag papakatanga at nag AASSUME!" -Katheryna Joan "Hintayin mo lang ako." -Karl Joshua "Hindi habang Buhay siya lang ang pwede mon...