Prologue

23 0 0
                                    

“James? Si James Fritz Lopez!? Nandito si James Fritz Lopez!!”

T*ng ina! Nakita nako ng media. Lagot na!

Nagtakbuhan na ang media patungo sakin. Bale napapaligiran na kaming tatlo nina Ralph at Jessie ng mga press. Lagot na naman ako nito kay Manager Cha.

Press1: James, totoo bang last movie mo nato?

P2: Na link ka daw sa famous designer na si Ms. Loraine Grace Chua?

P3: Usap usapan na nag propose kadaw kay Ms. Loraine, totoo ba?

P4: Hindi raw tinanggap ni Ms. Loraine ang proposal mo? Girlfriend mo ba si Ms. Loraine? Matagal naba kayong may relasyon?

“James anong nangyayare?” naguguluhang sabi ni Jessie.

Si Ralp nakangisi lang sa tabi. Loko loko. Alam kong nagkukumahog na yang mga kalamnan niya sa kakatawa sa sitwasyon ko.

Hindi pwedeng malaman ng media ang tungkol samin ni Loraine. Hindi lang ako at ang career ko ang masisira, pati na rin si Loraine.

“No it’s not true. In fact I’m with my girlfriend right now, actually she’s my fiancée. Jessie Joy Villega, come here sweetheart.”

Hinawakan ko sa bewang si Jessie at inilapit sakin. Patuloy sa pagkuha ng mga litrato ang press. Halatang gulat silang lahat at bakas sa mga mukha nila ang katanungan kung sino itong babae na sinasabi kong fiancée ko.

Pati si Ralph nagulat sa mga sinabi ko. Habang yakap ko si Jessie nahagip ng mga mata ko si Loraine. Nakatitig samin at mukhang naguguluhan.

P1: Sino siya? Matagal naba kayo ng non showbiz girlfriend mo?

P2: Kailan ang kasal?

P3: Totoo ba ang lahat ng ito? Oh ginagawa mo lang ito para pagselosin si Ms. Loraine?

Hindi nako nagdalawang isip pa. I face Jessie and kiss her deeply on the lips..

Dahil sa ginawa ko mas dumami pa ang pag flash nang camera. Lahat ng atensyon ay nasa’min. Alam kong sa mga oras na ito ay nakatingin rin si Loraine. I have no choice. I’m doing this for her sake. At alam kong bukas na bukas ay pag-uusapan nako ng buong bansa.

“Let’s go.”

Hinawakan ko ng mahigpit si Jessie at inilayo sa maraming tao. Isinakay ko siya sa kotse. Hangang ngayon shocked parin siya sa mga nangyari. Alam kong hindi ko siya dapat dinamay dito pero wala na siyang magagawa. Simula ngayon parte na siya ng showbiz at kahit na anumang gawin niya hindi na siya makakawala sa matinik na media. Ako ang nagpasok sa kanya sa gulong ito kaya responsibilidad ko siya at kailangan ko siyang potektahan.

“Are you okay?” hindi parin siya kumikibo.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon