Chapter 4: At The Party

4 0 0
                                    

Sa bahay…

 

“SURPRISE!!”

Anak ng! Nandito parin sa pamamahay ko si babaeng suka. Ang kapal din naman ng mukha, pinatulog na nga rito kagabi at pinakain tapos hindi parin umaaalis?

“Tch! Ano pang ginagawa mo rito?”

“Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi ang Tch!? Ako na nga ‘tong nagmalasakit na linisin ang bahay MO, wala manlang bang thank you?”

Aish! So naglinis siya.

“Bakit inutusan ba kitang linisin mo ang bahay KO?”

Pinagdiinan ko talaga ang pagkakasabi ng KO.

“Kaya nga malasakit diba?? James naman kinakausap kita wag mokong talikuran.”

Bahala nga siya. Magsalita siya ng magsalita hanggat gusto niya. Paakyat na ako ng hagdan papunta ng kwarto ko ng may bigla akong naalala.

Bumaba ako ulit..

“Ayan, mabuti naman at hindi ka pala bingi. Ang sabi ko dapat mag tha-..”

“Wala ka ba talagang mapupuntahan? Matutuluyan?”

“Wala nga. Sandali nga bakit mo naman naitanong?”

“I have a proposal for you..”

“Proposal? Ano namang proposal yan?”

Hinila ko siya papunta sa dining table.

“Maupo ka.”

“Ano ba naman James, hindi ako sanay ng ganito ha. Napaka serious mo naman.”

Wow, alam pala ng babaeng ‘to ang pangalan ko.

“Teka nga ano na nga ulet pangalan mo?”

Nadismaya ang mukha ni babaeng suka sa tanong ko. Eh sa hindi ko matandaan name niya. Di naman niya ata nabanggit pano ko naman siya makikilala.

“Naman eh, Jessie, Jessie ang name ko. Oh so go! Ano na nga ang proposal mo?

“You can live here in this house.”

Lumiwanag ang mukha niya.

“Talaga?? Ibig sabihin isusole mo na sakin ang bahay ko? Yes!”

“Tch! Hindi!”

Dumilim na naman mukha niya. Baliw talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon