Chapter 3: Laos

5 0 0
                                    

James POV

 

I’m on my way home driving my car. Pumunta ako sa shop ni Loraine, ang sabi ni Ralph umuwi na raw siya galing Paris. Pinuntahan ko siya pero hindi ako nagpakita sa kanya. Hindi ako bumaba ng sasakyan, tanaw na tanaw ko siya dito mula sa loob ng shop niya.

I don’t know why but I don’t have the guts to face her right now. Hindi ko pa kayang magpakita sa kanya. Loraine Grace Chua, childhood friend ko siya, actually kaming tatlo nina Ralph Justine Tang. Pareho silang professional designer, ako naman artista/model. Simula nung magumpisa ako sa modeling industry hanggang sa maging artista nako si Loraine ang personal designer ko. Siya ang kasa kasama ko sa lahat ng mga photoshoots and tapings ko.

I have unrequited love for Loraine. Nagsimula ito nung high school, binu bully siya ng mga ka klase niya and then niligtas ko siya from them. Dun ko nagsimulang maramdaman ang different feelings ko towards her. I don’t know but simula noon gusto kong lagi siyang ligtas that’s why lagi kaming magkasama coz I want to protect her.

Pero ngayon hindi ko na alam ang sitwasyon namin, hindi ko pa kasi siya nakakausap. Last month kasi bago siya lumipad patungong Paris, umamin ako sa kanya ng nararamdaman ko, it came to the point pa nga na I’ve decide to propose to her and then wala. “I’m Sorry James” yan lang ang nasabi niya and then tumakbo na siya palayo. Ang tanga ko naman kasi, hindi muna ako nagisip kung ano bang epekto nito sa friendship namin. Alam ko naman na si Ralph ang gusto niya simula pa nung una. Lagi niya kasing sinasabi sakin. Kaya ayan, naiilang nakong harapin siya ngayon.

Okay enough of this oh so old drama. Back to reality na tayo.

Malapit nako sa bahay. Ang bahay nato ang napili kong bilhin dahil nga sa maganda siya and tahimik ang lugar. Walang mga bahay sa paligid kaya safe ako from media and the fans. Yun nga lang minalas naman ako dahil ang bahay na ito pala ay pagmamay-ari nung babae sa plane. Suka ang tawag ko sa kanya kasi naman ang baboy niya. Sinukahan ba naman ako sa plane. Ang baho ko na tuloy, nabadtrip tuloy ako kasi may taping ako na kailangang puntahan paglapag na paglapag ko sa Hong Kong. Tapos naiwala ko pa ang phone ko and worst, sa babaeng suka napunta. Tch!

I’m parking my car now sa garage. Okay din tong bahay nato kasi unique ang design. Dalawang palapag siya, tama lang ang laki at napaka peacefull tignan. Ang presko kasi nga nasa seaside siya.

Naglalakad nako papuntang main door nang mahagip ng mga mata ko si babaeng suka. Nakahilata siya sa harap ng door at tulog na tulog.

Ano ba namang klaseng babae ‘to. Ganito ba ka importante sa kanya ang bahay na ito para matulog pa siya dito sa labas.

“Hoy! Hoy! Babaeng suka gising!” sinipa sipa ko siya sa binti ng magising.

“Hoy! Gumising ka nga jan!” ayan nagising na nga.

“Ano ba!? Kitang natutulog yung tao.”

Aba’t matapang ka pa ha. Bahay ko na to kaya wala kang karapatang matulog kahit sa labas pa ng bahay ko.

LOVE CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon