8:00 pm..
Cruuuuk*..
“Huhu. Gutom nako. Ano pa nga bang magagawa ko kundi pagtiyagaan ang cup noodles nato. Mga walang hiya! Walang kwentang kaibigan! Pano nila nagawa sakin to? Ano bang atraso ko sa inyo Paolo, Jana!!”
Kriing… Kriing.. Kriing..
“Huh? Ano yun? Phone ko bay un?”
Kriing…
“Eto ang phone ko. Ibig sabihin hindi sakin yung nagriring? Hala. May nagmumulto ata rito?”
Kriing..
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung tunog. Tinignan ko pa nga yung landline baka yun yung natunog pero hindi naman.
Kriing..
“Ay palaka! Langya, san ba kasi yun? Kakagulat naman.”
Nang makalapit ako sa sofa kinuha ko ang bag ko, para kasing dun nangggaling yung tunog ng phone.
“Hala. Kanino to’? Hindi to sakin. Hindi naman ako snatcher. Kanino ba to?”
Tumigil na siya sa pag ring. May natawag dito sa phone kung kanino man to. Hindi naman siguro masama kung ichecheck ko yung laman diba?
Slide to unlock..
Teka. Oo tama! Siya nga! Siya yung lalake kanina sa eroplano. Yung nasukahan ko. Eeew! Naalala ko na naman yung nakakahiya kong suka. Yuck!
Teka nga. Ba’t napunta to sa bag ko?
“Jessie. Jessie. Nagnakaw kaba nang hindi mo alam? Ano ka clepto?”
Ano ba naman tong isip ko. Kung ano ano nang nilalaman. FYI hindi ako magnanakaw. Malay ko ba baka nahulog niya to kanina nung nag walk out siya. Huh! Bahala siya. Buti nga sa kanya. Sama ng ugali.
Kriing.. Kriing.. Kriing..
“Ay kalabaw! Langya. Ginugulat ako nito ah.”
Ralph Calling..
Ralph? Sino kaya to? Nagkataon pang kapangalan niya yung knight and shining armor ko. Ayee! Naalala ko na naman yung makamandag niyang mga ngiti. ^_^
Sagutin ko kaya?
[James. Ba’t antagal mong sagutin phone mo? Busy kana naman siguro sa mga babae mo noh?]
BINABASA MO ANG
LOVE CONTRACT
Teen FictionMeron pa bang libre sa panahon ngayon? Ano ang gagawin mo kapag nabalitaan mong makakapunta ka ng ibang bansa for FREE? At dahil sa pangyayaring ito nagbago ang buhay mo. Ano ang mangyayari kung sa isang nakakatawang pagkakataon nagtagpo ang landas...