A/N: Credits to
MISS JURIN JIMENEZ for the book cover! clap.clap.clap ^^
Sa uulitin. Haha:)
#This Chapter is dedicated to her -> Miss Jurin Jimenez :)
_
ENJOY READING ! :)
Maaga siyang nagising kinabukasan at dali-daling nagbihis para hindi siya mahuli sa napagkasunduang lugar kung saan niya kakausapin ang kliyente ng kumpanya.
8:30 pa lang ng umaga ng makarating siya sa lugar. Hindi niya inakalang naroroon na pala ang kanilang kliyente. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya. Hindi na siya nagdalawang-isip na lapitan ito.
"Hi, kanina ka pa ba dito?" Tanong ni Arianne
Biglang napatayo ang lalaki ng mapagsino ang kaharap.
"Hello, you should be Miss Cruz, right?"
Agad niyang inilahad ang kamay upang magpakilala.
"Yah! I'm Miss Arianne Cruz..And you are?"
"What a lovely name! I'm
Sam Villanueva."
"Tara, maupo muna tayo." Paanyaya ng binata sa dalaga
"Well, thanks." Arianne
Hindi maipaliwanag ni Sam ang kanyang nararamdaman ng makita ang dalaga. Aaminin niyang nagagandahan siya dito kahit unang beses pa lamang niya itong nakita.
"So, what makes you decide na maging client ng aming kumpanya, dahil sa tingin ko nama'y you have your own company, right?" Prangka niyang tanong sa binata
Na-amazed ang binata sa sinabi niya.
"Well, actually... you are right na I have already my own company..But I decided to be your client dahil gusto kong malaman ang pinagkaiba ng pagiging client at boss ng kompanya."
"That's your opinion.. Wala na akong magagawa diyan."
"You know what, gusto ko ang mga taong prangka kung magsalita gaya mo." Sam
"Yah, Ganito na Talaga ako since Nung Bata pa ako."
"Nung bata ka pa??" Panunudyo niya
"Bakit, ilang taon ka na ba?" Dugtong ni Sam
"I'm 26..... Bakit? " Arianne
"Wala lang.... your face doesn't look like 26 years old..." Sam
"What do you mean?" Tanong ni Arianne
"Your face looks like.. already 45 years old. Hahaha." Panunukso niya
"Are you insulting me?!" Galit na Tanong ni Arianne
"Of course, not." Sam
"Well, Mr. Villanueva.. nagpunta ako dito para pag-usapan ang business at hindi para sa Kung anu-anong bagay."
Kanina pa naiinis dito si Arianne dahil sa tingin niya ay naghahambog ito sa pagiging boss niya sa kumpanya.
"And your body Miss Cruz is like....."
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil binuhusan siya ng dalaga ng tubig.
"Bastos!" Agad na umalis si Arianne at iniwan ang lalaki sa Restaurant.
Hindi makapaniwala ang binata sa ginawa sa kanya ng dalaga. Dahil first time niyang mabuhusan ng tubing sa harap ng maraming tao.
Siyempre, napahiya siya at ipinangako sa kanyang sarili na gagantihan ang dalaga.
