A/N:
Sorry if now lang ulit
nakapag-update! ^^
Weeeeh~
Enjoy Reading ! :)
-
"Salamat sa paghatid.. Makakauwi ka na para makapagbihis na. Ang basa kasi ng damit mo." Arianne
"Nag-aalala ka bang baka magkasakit ako?" Sam
"Siyempre naman hindi! Neknek mo! Bakit naman ako
mag-aalala, hindi naman kita kaano-ano." Arianne
"Hindi mo ba muna ako papapasukin? Mas lumakas kasi ang ulan at Baka madisgrasya pa ako sa daan. Malayo pa naman ang hotel mula rito." Sam
Tama nga naman ang binata. Baka mapano pa ito at siya pa ang mapagbintangan kung sakaling maaksidente ito. Naisip ng dalaga.
"Hmm. Sige na nga. Tutal, inihatid mo naman ako pauwi." Arianne
"Talaga?" Hindi makapaniwalang Tanong ni Sam dahil Bigla itong bumait sa kanya.
Hindi na nagkumento pa ang binata tungkol sa liit ng bahay ng dalaga. Natatakot kasi siyang mapaalis dito ng wala sa oras.
"Teka, magpapalit muna ako ng damit." Arianne
Mahabang puting T-shirt ang ginamit niya na manipis tinernohan niya iyon ng maong na shorts.
Napatulala ang binata sa naging itsura nito..
Napakakinis nito. Naisaloob niya.
"Oh, hiramin mo muna ang damit ko. Tutal malaki naman ito at siguradong kakasya sayo." Arianne
"Salamat." Sam
"Magbihis ka na." Arianne
Pagkatapos magbihis nagtimpla ng mainit na kape si Arianne para sa kanilang dalawa ng binata.
"Hmmm. ang sarap ng pagkakatimpla mo sa kape." Sam
"Are you complementing or insulting me?" Arianne
"Nagsasabi lang ako ng totoo." Sam
"I think, binobola mo lang ako. Huwag mo ng ituloy dahil hindi ka mananalo." Arianne
"Pagkahinto ng ulan, makakauwi ka na." Patuloy ni Arianne
"Teka, Bakit parati mo akong sinusupladahan?" Sam
