A/N: Enjoy Reading! ^^
#GODBLESS<3
"Anak, kailan ba ang alis mo papuntang Singapore?" Tanong ng Donyang si Isabel Cruz kay Arianne
"Mommy, maybe a day after tomorrow po."
"By the way anak, ano nga ba ang gagawin mo doon?"
"Meet my friends and at the same time, kakusapin ko po ang client ng kumpanya."
"Ganoon ba. Sige, magpahinga ka na. Good night anak."
"Good night din mommy.. see you tomorrow."
Nang umalis ang mommy ni Arianne sa kanyang kwarto agad naman din itong humiga sa kanyang malambot na kama upang magpahinga na. Dahil maaga pa siyang pupunta sa opisina para ayusin ang mga bagay bago siya umalis patungong Singapore.
"Bye Mommy, Bye Daddy... Kailangan ko na pong umalis."
"Mag-iingat ka doon iha." Daddy
"Opo, Daddy.. Mag-iingat din po kayo ni Mommy."
"Teka, huwag mo palang susungitan ang kliyente natin sa Singapore." Patuloy ng Daddy
"Di Daddy naman eh! " natatawang sagot ni Arianne
"Sige na at Baka mahuli ka pa anak."
"Okay po."
_
Nakarating naman si Arianne ng maayos sa Singapore at tuwang-tuwa siya dahil ang mga kaibigan niyang sina Trixie at Stef ang sumundo sa kanya.
Nakipag beso-beso pa muna sila bago nagsalita si Arianne.
"Mga friends, how are you?"
"Hmm.. we're fine.. How about you? Nabalitaan naming ikaw na ang namamahala ngayon sa kumpanya niyo?" Trixie
"Oo. tama nga ang narinig niyo. Pero, pumupunta naman si Daddy upang tingnan ang ginagawa ko."
"Ah, ganon ba....Teka, nagugutom na ba kayong dalawa? Doon na lang tayo kumain sa bahay ko." Sabi ni Trixie sa dalawang kaibigan
"Tamang-tama at nagugutom na rin kami."
Dumiretso ang magkakaibigan sa bahay ni Trixie upang mananghalian. Pagkatapos kumain, nagkuwento kuwento naman sila tungkol sa mga buhay-buhay nila ngayon.
"Ang sarap ng mga pagkain...Pwede kanang magpatayo ng restaurant Trixie." Arianne
"Naku, hindi mo ba alam na nakapagpatayo na siya ng restaurant dito?" Stef
"Talaga? tutal hindi naman na din ako magtataka dahil matagal na niyang pangarap iyon." Arianne
"Ganoon na nga... At isa na siyang successful business woman." Saad ni Stef
"Ikaw naman Stef, ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon? Tiyak ko rin na successful ka na ngayon." Arianne
"May ipinatayo akong flower shop dito at mabenta naman pala dito ang mga bulaklak."
"Sinabi mo pa.. Madali ngang maubos ang mga paninda mo dito hindi ba?" Tanong ni Trixie
"Oo. At nakakauwi rin ako ng maaga." Stef
"Ikaw Arianne, kamusta ba ang love life mo sa Pinas? May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Stef
Tumikhim muna si Arianne bago sumagot sa kaibigan.
"Sa totoo lang.. Hanggang ngayon, wala pa."
"Huh? Bakit naman wala pa? Hindi ba madami namang nanliligaw sayo doon? Tanong ni Trixie
"Madami nga, Pero hindi ko sila type noh! "
Alam naman ng magkaibigan na suplada at mataray si Arianne Pero hindi sa kanilang dalawa.
"Bakit, kayo ba may boyfriend dito?" Arianne
"Siyempre naman noh! "
Napatawa silang tatlo at nagsalita ulit si Stef.
"Tara, punta tayo ng mall."
"Dabest ka talaga friend! "
"Tara na at magchecheck-in pa ako sa Hotel." Arianne
Nagshopping ang magkaibigan sa mall at masaya sila dahil kumpleto silang tatlo sa mga oras na iyon.
Pagkatapos mag shopping, Dumiretso ang magkakaibigan sa isang mini restaurant at umorder ng juice.
"Hah. Grabe, ang saya ko ngayong araw." Arianne
"Kami din.. Dahil matagal na rin nung last time tayong nag shopping ng magkasama."
"Oo nga.. Siguro nung 4th year high school pa ata."
"Ngayon, may trabaho na tayong tatlo.. nakakatuwang isipin hindi ba?"
"Tama.. hindi lang may trabaho, successful pa ang bawat isa sa atin."
Sumang-ayon naman ang magkakaibigan.
Pagkatapos uminom ng juice, nagpaalam na si Arianne sa dalawang kaibigan dahil magchecheck-in pa ito sa Hotel.
"Sigurado ka bang ayaw mong tumuloy muna sa bahay ko?" Tanong ni Trixie
"Salamat, Pero ayos lang ako. Tatawagan ko naman kayo pagkadating ko sa Hotel." Arianne
"Sige. Mag-iingat ka.. magtawagan na lang tayo ha." Stef
"Okay." Arianne
Madaling nakapagcheck-in si Arianne sa Hotel at nagustuhan niya ang kanyang kwarto roon dahil sa tingin niya ay magiging komportable naman siya dito.
"Ang ganda naman ng view dito." Naisaloob niya
Makikita kasi sa labas ng Hotel ang napakalawak na karagatan.
Hihiga na sana siya sa kama ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Nang nakita niyang ang kanyang Mommy ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.
"Hi, Mommy. Nakalimutan ko pong tumawag sa inyo kanina dahil nagkita kami ng mga friends ko."
"That's okay iha.. Kumain ka na ba? "
"Busog pa po ako Mommy. wala po akong ganang kumain."
"Basta, Huwag kang magpapagutom diyan iha baka magkasakit ka."
"Hindi ko naman po gagawin iyon Mommy."
"Teka, ano bang ginawa ninyo kanina ng mga Kaibigan mo?"
"Nag shopping po kami and nananghalian sa bahay ni Trixie.. Grabe, ang ganda po dito Mommy.. By the way, may binili po akong Pasalubong para sa inyo ni Daddy."
"Talaga? Basta, mag-iingat ka lang diyan."
"Opo, mommy."
"Sandali at gusto kang makausap ng Daddy mo."
"Hi Daddy! Good evening po."
"Oh, anak... Are you okay there?"
"Yah! I'm fine Daddy."
"Iha, bukas pala kayo magkikita ng client nation at ang gusto ko, huwag mo siyang susungitan."
"Hmmmm.. its okay with me Dad.. What time po and saan?"
"9 Am iha... itetext ko lang sayo mamaya ang place."
"Okay po.. Naiintindihan ko Dad."
"Matulog ka na para hindi ka malate bukas sa pakikipagkita sa client iha..Good night."
"Good night po Daddy."
"Sige, ibababa ko na ito."
"Opo."
Pagkatapos makipag-usap, natulog kaagad si Arianne gaya ng bilin sa kanyang ng ama.
_
Ano kaya ang mangyayari sa pakikipagkita ni Arianne?
Abangan ! ^^
(10.22.2014)
©missdetective.
