"Walang tayo"

13 1 0
                                    

Dedicate to ziexchrry25

Dumating ka sa buhay ko
At nagsilbing liwanag sa magulo kong mundo
Binuksan mo ang aking mata sa mundong kailanman ay hindi ko pa nakita
Pinangiti, pinatawa at pinaramdam ang tunay na saya

Na para bang hindi na matatapos pa
Ang tanong, hindi na nga ba matatapos pa?
O nagsisimula palang tayo ay tapos na talaga
Dahil sa kabila ng lahat ng ginawa natin ay wala sakin iyong mga mata

Dahil kahit ako ang kasama mo ay nakabaling ka sa iba
Masakit isipin na habang pinapasaya mo ko ay pinapasaya ka nya
Na habang pinapangiti mo ko ay nakangiti ka sa kanya

Pinaparamdam mo sakin ang tunay na saya
Habang bumubuo kayo ng sarili nyo istorya
Binuksan mo ang aking mata sa mundong kailanman hindi ko pa nakikita
Habang ang mundo mo ay hindi na ako kundi sya.

Sya na.
Dahil sa simula palang ay sya naman na talaga
Masyado lang talaga 'kong tanga
At nagpadala sa pinaramdam mong saya

Saya na panandalian lang pala dahil hindi ako kundi sya,
Sya ang babaeng bumuo sayo habang binubuo mo ang iba

~~~~~~~~~~~~~

A/N: This is my first compilation of poems
I'll hope you'll like it
Forgive me for the grammar

Follow me on Wattpad: @romanticprincess02

Don't forget to vote and comment on my story

Feel free to suggest a title and I'll promise I will do my best to make all of your suggestion....

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon