Chapter 5

112 3 0
                                    

Chapter 5

Bella POV

"Mafriend ang cute niya."

"Shh wag ka maingay marinig niya tayo."

"Ano pangalan niya Theo?"

Unti unti naman ako nagmulat at nanlaki yung mata ko nang bumungad sakin ang mukha ni Deion.

"HIII!!" Magsasalita na sana ako ng biglang umikot yung sikmura ko. Agad naman ako kinuha ni Lars at dinala sa may banyo at nilabas ko lahat ng kinain namin kagabi. Every morning ganito ako nakasanayan na pero ang hirap parin pala. Inabutan naman ako ni Lars ng tissue paper at inalalayan ako papunta sa may sink. Binigay naman sakin ni Lars yung toothbrush ko at inipitan niya ang buhok ko.

Tinignan ko naman si Lars sa may salamin at kita sa mukha niya ang saya ng ginagawa niya.

"Sorry kung andito sila." Hingi niyang paumanhin. Dinura ko naman yung toothpaste at nagmumog na ko. Binigay niya naman sakin yung face towel.

"Okay lang kaso bakit sila andito sa kwarto?" Nakaramdam naman ako ng hiya.

"Ahh si Daimon kasi eh binangit niya sa iba na may babae ako dito sa condo." Tila nahihiya naman siya.

"Bakit bago ba yun?" Hinarap ko naman siya.

"Hindi kasi ako nagpapasok ng babae dito sa condo ko." Nanlaki yung mata ko.

"How about girlfriend?" Tanong ko sa kanya.

"Masyado akong busy sa pag aaral wala akong time sa mga ganyan Bella. Tara na at nang makakain kana at si baby." Binuksan naman ni Lars ang pinto ng banyo at bumungad ang D Band.

"Hi I'm-"

"Deion" Putol ko sa pagpapakilala niya. "Draco,Daimon,Damien"

"Kilala mo kami?" Tuwang tuwang sabi ni Deion.

"Oo. Kayo ang D Band." Nahihiya kong sabi.

"Maya na interview papakainin ko muna siya." Kahit naiilang ako inalalayan parin ako ni Lars. Hindi man kalakihan yung tiyan ko kailangan ko talaga ng aalalay sakin dahil medyo mahina ang kapit ng bata at delikado para samin dalawa dahil masyado maaga ang pagbubuntis ko kaya sinabihan ni Mommy Thea kay Lars na alalayan ako at wag hahayaan na madulas o ma out of balance.

Nang makaupo ako sa harap ng hapagkainan ay isa isa rin silang umupo.

"May sakit ka?" Alalang tanong ni Draco sakin. Umiling ako.

"Bakit parang ingat na ingat si Theo sayo?" Tanong ni Deion.

"Oo nga" Sang ayon naman ni Damien.

"I'm p-pregnant" Nahihiya kong sabi.

"Bella." Inakbayan naman ako ni Lars.

"Its okay Lars." Natahimik naman sila.

"CONGRATS MAFREN!! Di kana birgen!" Sigaw na biro ni Deion. Napatingin naman ako kay Lars na pulang pula. Itatama ko sana sila ng umiling si Lars.

"Ninong kami!!" Tuwang tuwang sabi ni Daimon.

"Oo naman." Masayang sabi ni Lars.

"Congrats Bella. Siguradong magiging mabuting ama at asawa yan si Theo sayo. Wala kang ikakasakit sa ulo paano hindi marunong mambabae." Kwento ni Draco.

"Oo Bella. Kaya nga nagulat ako nung makita kita rito sa Condo niya. Nasabi ko tuloy sa iba." Natatawang sabi ni Daimon.

"Kelan nga pala kasal?" Tanong ni Damien.

CHASED BY A DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon