Wala Ka Nang Babalikan

51 27 0
                                    

Wala Ka Nang Babalikan

By: AtengMimayShy_24

Mahal pwede pa ba
Ang ikaw at ako..tayo?
Mga katangang
Paulit-ulit mong itinatanong sa'kin

Habang humihingi ka ng tawad
Sa kasalanan na nagawa
Na tila ba paulit ulit mo ring
Sinasabing hindi mo sinasadya

Hindi mo sinasadya na lokohin ako
Hindi mo sinasadya na saktan ako
At hindi mo sinasadya na maging kayo kahit alam mong meron pang tayo

Patawarin mo ko,hindi ko na uulitin to
Isa pang katagang iyong binibitawan pero bakit parang
Hindi mo naman pinapatunayan

Mahal ilang beses na ba kitang pinatawad?
Ilang beses na ba kitang nabigyan ng pagkakataon?
Ilang beses na ba akong nagsakripisyo para sa ating relasyon?

Ilang beses mo na ba akong tiniis
Na hindi kausapin
Habang kausap mo yung bago mo?

Ilang beses na ba akong umiyak
Habang ikaw nagpapakasaya
Kasama siya?

At ilang beses na ba akong nadurog
Nang dahil sayo?

Mahal napakaraming beses na
Pero heto parin ako
Isang hingi mo lang ng tawad tatanggapin na ulit kita

Isang hingi mo lang ng tawad
Okay na ulit ang lahat
Na para bang walang nangyari
Na para bang bumabalik lang sa dati

Mahal hindi mo ako masisisi
Kung isang araw
Gumising nalang akong
Wala ng pagmamahal sayo

Wala ng puwang pa
Ang ikaw sa puso ko
Mahal hindi mo ako masisisi
Kung sumuko na ako sa laban na ito

Dahil alam kong tanging ako
Ako nalang ang nagpapakatanga
Sa relasyon na ito
Mahal paulit ulit nalang

Paulit ulit nalang
Ang mga kaganapan
Nagsimula ang lahat
Na parang panaginip lamang

Pero bakit ngayon
Tila ba isa na itong bangungot
na nais ko ng kalimutan?

Papatawarin kita
magiging ayos tayo
magloloko ka ulit
At patatawarin ulit kita

Isa dalawa tatlo
apat lima o higit pa
Higit pa sa lima ang ibinigay kong pagkakataon para magbago ka

Papatawarin kita
magiging ayos tayo
magloloko ka ulit
Pero natauhan na ako

Mahal natauhan na ako
Hindi ko deserve ang kagaya mo

Hindi deserve ng katulad ko
ang magpakatanga sa isang katulad mo na wala ng ibang ginawa kundi
ang lokohin ako

Mahal alam mo bang tinatanong ko
sa sarili ko kung
Ano ba ang nagawa ko
bakit tayo nagkaganito?

Wala akong ibang ginawa
Kundi ang maging tapat sayo
Mahal patawad kung ako mismo ang nangiwan at sumuko sa relasyon na ito

Gusto ko lang irespeto ang sarili ko
Dahil mahal
Tama na

Tama na ang ilang beses
Ng pagpatak ng mga luha ko dahil sayo

Tama na ang ilang beses
Na pagtitiis ko sa relasyon nato
Tama na
dahil pagod na pagod na ako

Mahal sana sa aking paglisan
ay iyong matutunan na
hindi lahat ng iniiwan ay
pwede pang balikan

Na hindi lahat ng nadudurog
Pwede mong buuin
Na minsan..hindi na sapat
Ang salitang mahal kita
para patawarin ka pa

Kaya mahal bago magtapos
Ang tulang ito..apat na salita
Ang nais kong iyong malaman
Wala ka nang babalikan

By: Jericho de Leon

--------------

Join our GP named AtengMimayShy_24

_______

By: AtengMimayShy_24

One Book Full Of Poems (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon