Third person's POVSa loob ng isang opisina nag uusap ang mag-asawang Sarai.
"We should kill her." ma-otoridad na sabi ng isang may katandaan lalaki. Nasa 40 taong gulang pa lang ito, Matangkad, makisig kung titignan at hindi mapagkakaila na may taglay itong magandang pagmumukha, biniyayaan ng magandang genes ika nga. Pero sa likod ng ganyang anyo nakatago ang isang matapang at striktong paguugali lalong lalo na pag pinaguusapan ang Sarai Famiglia.
"NO! She's your daughter for Christ's sake! ganyan ka ba ka walang awa?! Na kahit buhay ng anak mo ang isusugal mo masunod lang ang batas ng Famiglia!" sigaw ng isang babae. Nasa 35 years old naman ito. Biniyayaan ng mala anghel na mukha pero pagdating mukhang nabuhusan lng ng isang baso ng kabutihan.
"Yes! We can't keep her! siya ang magiging kahinaan ng angkan, alam mo yan!" Maririnig mo ang finality sa kanyang tono ng pagsasalita. Yan ang pinuno ng Sarai Famiglia, isusuko ang lahat maging matatag lang ang Famiglia.
"Leo Isaac Sarai! When I say no NO! If you love me and still want me as your wife, WE as in ME and YOU will keep our daughter no matter what! GET IT?!" Pinipilit man niyang kumalma dahil buntis siya ay hindi niya magawa. Masyadong matigas ang puso ng kanyang asawa para kausapin ito ng kalmado kailangan mo pa itong ipagsigawan para lang mapasok sa kokote niya ang gusto mo.
Nasa 9 na buwan na siya ng pagbubuntis at ang ineexpect niyang paglabas nito ay sa susunod na linggo pa.
"*sigh* Why--LEO! YOU FVCKING DICK HEAD MY WATERBAG JUST BROKE! OUCH!! MANGANGANAK NA ANG MAGANDA MONG ASAWA MAMAYA KANA MAG SPEECH!" hindi na natapos ni Leo ang kanyang sasabihin ng biglang nagsisigaw ang kanyang asawa kaya patakbo itong pumunta sa tabi nito at inalalayan.
"WHAT THE! next week pa ang kabwanan mo diba!" tarantang sabi nito at binuhat ang kanyang asawa na namimilipit na sa sakit.
"OUCH! KASALANAN MO TO NAPAKATIGAS KASI NG ULO MO! PINAIINIT MO NANAMAN ANG ULO KO KAYA GANTO! PUNYETA BILISAN MO!" utos niya sa kanyang asawa.
Napakamot na lang siya sa ulo niya dahil sa asawa niya. Kung gaano siya katapang ay nawawala na lamang ito kapag nagagalit na ang misis niya. Minsan napapaisip siya kung bakit anghel ang mukha pero may pagka demonyo ang ugali, don't get me wrong hindi siya pumapatay pero handa siyang mamatay para lang sa pamilya niya. Doon namamangha ang lahat dahil kaya nitong patiklupin ang pinuno na walang puso sa isang salita lamang.
"PUNYETA! HULING ANAK MO NA TO LEO HINDI KANA MAKAKAISA PA! OUCH! HUHUHUHUHU!"
-------------
"Awwwwe! what a beautiful daughter Mrs. Sarai." puri doctor niya matapos mailabas ang anak. Nasa delivery room pa rin sila at nililinis na lamang si Clementine, ang Ina ng bata.
Matapos malinis at mabalutan ng tela ang bata ay kaagad na lumapit ang nurse sa ama nito at ibinigay. Tinanggap niya naman ito pero para lang siyang nakatingin sa isang bagay, isang bagay na kapag binitawan niya alam niyang mababasag agad.
"Leo, my love. Alam kong nararamdaman mo kung anong nararamdaman ng isang ama. Ngayon itutuloy mo pa ba?" tanong ni Clementine.
Tumingin si Leo sa asawa.
"Sir Sarai ano pong ipapangalan natin sa anak niyo?" tanong ng nurse.
"Mara--"
"I want to name her Amara. Amara Sarai."
---

BINABASA MO ANG
Your king, My king
Romance"paano ba maging malakas? Paano maging matapang? Paano maging katulad nila?" yan ang nasa isip ng isang dalaga habang naka dungaw sa kanyang bintana at nasisilayang ang ganda ng buwan at bituin. "is there someone who can accept me from who I am? Is...