Panimula

15 3 0
                                    


"Sa laki ng ating mundo, hindi tayo nakakasigurado kung tayong mga tao lamang ang nakikinabang nito. Mga nilalang na 'di natin sukat akalaing totoo pala."

Mataman akong nakinig sa aking lola. Pareho kaming mahilig sa mga istoryang napakaimposibleng magkatotoo pero ibahin nyo si lola. Naniniwala talaga syang may mga nilalang ngang nabubuhay bukod sa ating mga normal na tao.

"Katulad naman po ng ano lola?" Pagtatanong ko.

"Zombie."

"Tao pa rin po naman sila diba? Batay po sa mga nababasa ko'y mga tao sila na may virus."

"Apo, ang zombie ay mga bangkay na buhay. Mga walang kaluluwa at kagustuhan para sa sarili." Napakaseryosong lintanya ni lola.

"Ganun po ba yun? E paano po sila mapapatay? Sa mga nakikita ko sa mga palabas lola ay hindi sila namamatay."

"Yun ang hindi ko alam apo, kaya ikaw, mag-iingat ka."

"Ano ka ba naman lola! Mahilig po ako sa mga ganyang istorya ngunit napakaimposibleng mangyari nyan." Napatawa naman ako ng mahina sa aking sinabi.

"Ganun ba. Sige apo at ako'y magpapahinga na, pagod na ang lola. Basta Lea, binabalaan kitang mag-ingat at mag-aral ng mabuti. Kailangang may kaalaman ka sa lahat ng bagay-bagay dito sa mundo nang sa gayon ay ika'y magtagal."  At pumikit na siya.

Ang weird talaga minsan ni lola haha.

"Goodnight po." Nilisan ko na lamang ang kanyang kwarto at pumunta na sa kwarto ko upang matulog.

The names of the characters, places, events and etc. are all fictitious. Ipagpaumanhin nyo sana ang mga maling pangungusap o grammatical errors na inyong mababasa, inyo na lamang pong itama.

Kung i-jujudge nyo to ay wag nyo nang basahin. I accept corrections, no more no less.

©sexynoob

ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon