"Hello?"
Malapit na 'ko sa entrance ng school nang may biglang may nag call sakin sa phone ko.
"Teh, saan na ka na?" tanong ni Nicole, isa sa mga bestfriend ko.
"Ito na, malapit na sa entrance ng school. Wait."
"Bilisan mo late ka nanaman" Rinig kong sabi ni Kayleigh sa kabilang linya, bestfriend ko rin.
"Wait lang ha, may pila kaya" Yung entrance kasi ng school parang sa MRT kasi i-ttap yung ID bago ka makapasok.
Jusko po sa fourth floor pa naman first subject namin ngayon, paano ba naman 'tong school na 'to ang mahal ng tuition pero walang elevator grr.
"Bagal." Rinig kong sabi naman ni Courtney sa kabilang linya. Bestfriend ko rin.
"Ito na paakyat n—ay butiki ka!"
Nabagsak yung phone ko dahil may nakabanggaan ako habang paakyat. Agad ko namang dinampot yung nahulog kong phone sa sahig at agad itong tinignan, basag.
"Tss puro kasi cellphone,"
Nangunot agad yung noo ko sa narinig ko, nagsalita yung nabangga ko at sinamaan ko agad ito ng tingin. Lalaking maputi, matangkad na naka shades, jet black ang buhok at matangos ang ilong.
"Excuse me?" Sabi ko.
"I said, cellphone ka kasi ng cellphone. Di ka tumitingin sa dinadaanan mo, tss stupid." Haaah?!
"So ako lang ang may fault dito? Kung tumitingin ka rin sa dinadaanan mo edi sana naiwasan mo 'ko? Sino stupid satin ngayon?" Sabi ko naman sakanya, akala niya ba di ko siya papatulan.
Tinaasan niya ko ng kilay dahil sa sinabi ko.
"It's obviously you, I was about to turn right going down and I didn't see you."
Talagang nag explain pa bwoset.
"Look what happened to my phone oh! Tsk, alis na nga, late na ko sa klase ko!" I was about to leave him pero hinarangan niya ko.
"Mag sorry ka," Ma awtoridad na utos niya. WHAT?!
"At bakit ako mag ssorry sayo? It's both our fault, dapat nga ikaw pa mag sorry. Binasag mo phone ko."
"Why would I? In the first place hindi ikaw ang tumitingin sa dinaadaan mo?" Talaga bang ayaw niya magpatalo?
"Sorry gusto mo? Asa ka." After ko sabihin yan umalis na ko sa harap niya, at saka umakyat na ng fourth floor.
15 minutes tuloy akong late dahil sa lalaking 'yon. Aba't talagang gusto niya pa mag sorry ako sakanya? Pinapamukha niya pa talaga na kasalanan ko. Sayang gwapo pa naman siya hmp.

BINABASA MO ANG
My Boyfriend for One Month
Teen FictionONE MONTH Sa loob ng isang buwan, kailangan namin mag-panggap... Mag-panggap na kami ay may relasyon. Pero may isa kaming RULE, yun ay ang... "BAWAL MA INLOVE."