PROLOGUE

81 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.



MY BOYFRIEND FOR ONE MONTH
Written by: silentine


***


"Hoy sungit, sige na pumayag ka na kasi" Pangungulit ko rito sa kausap ko.


"No" Naka straight face na sabi niya,


Hay nako kung hindi ko lang talaga kailangan, hindi naman ako magmamakaawa at mangungulit ng ganito sakanya no tss.


"Please? sige na naman oh. Tyaka about doon sa ginawa ko sayo ..."


Napapikit ako sa saglit dahil naalala ko nanaman yung ginawa ko sakanya, no choice ako kaya ko lang naman ginawa 'yon. Shit. Nakakahiya.


"Iisipin kasi nilang boyfriend kita, so sige na pumayag ka na" Paki-usap ko sakanya


"Problemahin mo yan mag isa, ang daming ibang lalaki dyan. Pinalagpas ko na nga yung pagnanakaw mo—"napahinto siya sa pagsasalita, naalala niya siguro


"...tapos gusto mo pang magpanggap na tayo? No way." Akmang aalis na siya pero napigilan ko siya nang hawakan ko yung braso niya.


"Please! Desperada na kung desperada. I'll do anything you want. Please, dali na." Napabuntong hininga na lang siya at naupo ulit.


Papayag na kaya siya?


"Tsk. Why me? Give me one f*cking valid reason." Naiinis na sabi niya


Ang dami namang tanong nito pumayag na lang kasi siya grr.


"Revenge?" Alanganin ko pang sagot ko sakanya


"What? You're going to use me just because of your childish reason? Baliw ka."


Aalis nanaman siya, bago pa man siya makaalis nahawakan ko yung laylayan ng polo niya. Kahit na pinagtitinginan at pinaguusapan na kami rito sa coffee shop wala na akong pake. Duh! Mas importante mapapayag ang lalaking 'to!


"Teka lang naman! Sige na, isang buwan lang naman, e. Pagkatapos non hinding hindi na kita guguluhin kahit kailan. Promise! Cross my heart and padlock susi" Sabi ko with matching taas kamay pa.


"Ts," Umupo siya muling tinitigan ako. Tinitigan ko rin siya at inabangan yung sasabihin niya.


Bumuntong hininga muna siya bago sumagot, "Fine," walang emosyong sagot niya.


Wait anong fine? Fine, as in payag na siya? Napatayo ako sa kinauupuan ko sa sinabi niya.


"You mean papayag kana?!" Di makapaniwalang sabi ko


"Sit down." Utos niya


"Pero payag kana? Payag ka na maging boyfriend ko?!" Naeexcite kong tanong.


"Can you please lower down your f*cking annoying voice? Gusto mo bang bawiin ko?"


"Wag! Ito naman sungit agad, hindi lang makapaniwala eh. Waaaah thank you talaga!"


Dahil sa sobrang saya ko muntikan ko na siya yakapin buti na lang tinutok niya yung hintuturo niya sa forehead ko at inilayo niya ako.


"Yuck, don't hug me."


"Hoy maka yuck ka naman! Anyway, thank you talaga wihihi" Natutuwang sabi ko.


Masyado akong masaya para patulan yung sinabi niya, tyaka baka bawiin niya kaya di ko na inaway. Tinignan niya lang ako, tapos naglakad na siya palabas ng coffee shop. Lalabas na sana siya ng lumingon uli siya.


"I forgot, we have one rule."


"Ano 'yon?" Tanong ko.


May pa rule pa akala mo naman talaga. Osya pagbigyan tutal pumayag naman siya.


"BAWAL MA INLOVE."


Pagkatapos niya sabihin 'yon, tuluyan na siyang lumabas ng coffee shop.


Bawal ma-in love? Wow ha! As if naman na mai-inlove ako sakanya no, kapal naman non.


Ew. No freaking way.

My Boyfriend for One MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon