TWO

54 2 0
                                    

"What happened?"


Tanong ni Courtney ng mapansin niyang nawala ako sa mood.


"Wala ah, inaantok lang ako." Palusot ko.


Pinili ko na lang hindi sabihin yung conversation namin ni Xavier dahil alam kong sesermunan nanaman nila ako kapag sinabi ko. 


"Mga classmates! Wala daw si Ms. Gutierrez, pero may binigay siyang assignment and that will serve as our attendance today." Sabi ni Steven, class president namin. 


Binigyan niya kami ng hard copy ng assignment at pagkatapos non agad naman na lumabas yung iba naming classmates, samantalang kami nila Kayleigh ay nagpahuli lumabas.


"Di muna ako sa condo tutuloy, kailangan ko umuwi samin, we have visitors." Sabi ni Courtney.


"Ako rin, may fam dinner kami," Nicole.


"Awit! Ikaw Yums?" Kayleigh.


"Wala namang ganap. Pero di muna ako uuwi gagawin ko muna assignment sa library, tyaka mag aaral na rin,"


"Sige sama na muna ako sayo, ayoko naman magisa sa condo," Kayleigh.


Magkakasama kami sa iisang condo tumutuloy, malalayo kasi yung bahay namin dito sa school kaya napagkasunduan namin mag condo na lang.


Nauna na umuwi yung dalawa, nag stay kami Kayleigh dito sa school at pumunta sa library. Mag aaral at gagawin na yung assignment para wala na kaming gagawin this weekend. Pagka dating namin sa lib, agad naman kaming nag start at nilabas ko sa bag yung paper na binigay ni Steven.


Define what is market segmentation and what are the 4 types of it?


Ano yon?


Pumunta ako sa computer area, ganon din si Kayleigh. Nagsimula na ko mag search, at mabilis din akong nakahanap ng sagot. Pagkatapos naming magpa print ay pumunta kami sa may bakanteng couch para mag basa.


"Siya yung transferee sa Business Ad di ba?"


Nagkatinginan kami ni Kayleigh at napatigil sa pagbabasa nang marinig namin ang usapan ng mga babaeng malapit samin.


"Rinig mo 'yon, Yums?" Bulong ni Kayleigh sakin. Tumango na lang ako.


"Oo, ang gwapo niya nga, kahit tulog ang gwapo gwapo."


"Kaya nga eh, may girlfriend na kaya siya?"


"Sana naman wala pa."


Napatingin naman kami sa gawi kung saan nakatingin yung mga babaeng nagkwekwentuhan. Nanlaki yung mata ko ng makita kung sino ang tinutukoy nilang transferee. Siya yung lalaking naka away ko kaninang umaga! Alam kong siya 'yon. Payapa siyang nakaupo at natutulog sa kabilang couch na di kalayuan dito sa pwesto namin, naka cross arms pa kung matulog.

My Boyfriend for One MonthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon