5

51 5 0
                                    


Malay ko kung kailan nagsimula o nangyari basta gusto ko na yata siya.



Ilang buwan ko siyang patagong sinusulyapan at tinitingnan. Minsan nagkakatagpo ang mata namin pero baka ilusyon ko lang iyon.



Naglalakad kami nun ng barkada ko nang marinig ko ang usapan nilang magkakaibigan. May crush daw si Celeste.



Buong araw ata akong wala sa sarili habang iniisip kung sino ang crush niya. Tinatawag na pala ako ng adviser ko pero wala ako sa wisyo.



Ilang araw akong wala sa mood. Hindi ko namanmatanong ang pinsan ko kung sino dahil baka magtaka at magtanong kung bakit koitinatanong.

If OnlyWhere stories live. Discover now