18

31 3 0
                                    


Nakaupo kami ngayon sa may sala ng hospital room ni Celeste. Katabi ko ang mga magulang niya na kakatapos lang ayusin ang kwarto ni Celeste.



Ang nanay niya ang unang bumasag sa katahimikan. "Alam mo ba na lagi kang kinekwento sa amin ng anak namin? Na ang gwapo mo daw at magaling pa kumanta"



Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa narinig. Kasama nun ang pagtataka sa kung bakit ako kinekwento ni Celeste sa mga magulang niya.



"Mula nang dumating ka sa school niyo, ibang saya ang naranasan niya. Ibang mga ngiti at tawa ang nakikita namin na hindi naman usual naming nakikita sa araw-araw.



Minsan nga nakatulala na lang sa walang hangganhabang malalalim ang inisip pero ngayon, ang laki ng ngiti niya sa tuwingnapapatulala. Minsan nga tinatawanan na lang namin"

If OnlyWhere stories live. Discover now