22

28 4 0
                                    


Hindi ako makatulog. Hindi ako mapakali. Una di ko pa rin lubos maisipan na may gusto sa akin si Celeste.



Hindi ko rin ma-digest ang katotohanang ang babaeng gusto ko ay may malubhang sakit at nanganganib na mapalayo sa akin.



At higit sa lahat di ko makalimutan ang isinagot ko sa mga magulang niya. Tuwing inaalala ko, napapasabunot na lamang ako sa buhok ko.



/flashback/

"Uhm ang totoo po niyan, matagal na po akong may gusto sa anak niyo. Hindi lang ako makaamin dahil bukod sa mas matanda siya sa akin, ang alam ko po'y iba ang gusto niya"



"Naku si Sir Lopez ba ang tinutukoy mo? Nakupinsan niya iyon dahil ang tatay niya ay kapatid ko."

If OnlyWhere stories live. Discover now