Pumunta ang magkasintahang Niel at Bernice sa isang parke na malapit sa ilog para maglagay ng kanilang love padlock. Ayon kay Niel, ito daw ay sumisimbolo sa kanilang pag-ibig. Nilagyan pa nila ito ng disenyo at inilock na sa bakod. Tuwang tuwa pa si Niel dahil sila daw ang unang gagawa ng ganoon sa lugar na iyon. Itinapon nila ang susi sa ilog para ipakita na ang pag-ibig nila ay hindi na mababali. Makalipas ang sampung taon, binalikan nilang muli ang kanilang love padlock. "Sa huli, hindi rin pala magiging tayo." Wika ni Niel sa nakangiting pinakamamahal na dating kasintahan.