Nasa Huling taon na sa kolehiyo ang binatang si Marcus ng magkaroon siya ng lakas ng loob na umamin sa kaklaseng si Andrea na matagal na niya itong minamahal. Naghanda ang binata ng rosas, tsokolate, malaking stuffed toy at bonggang speech para sa dalaga. Lakas loob siyang nagtapat ng pagmamahal sa dalaga at nagtanong kung mahal din ba siya nito. Binasted siya ng dalaga dahil sobrang choosey at hindi pa ito handa. Limang taon ang lumipas, bumungad sa pintuan nina Marcus ang nakangiting si Andrea na may dalang wedding invitation. Napangiti si Marcus ng makita ang kanilang sariling wedding invitation.