Minsan iniisip ko, bakit nga ba lagi kang masaya? Laging nakangiti, parang walang problema. Madalas, naiingit ako dahil habang ako hirap na hirap na, ika'y nandiyan lang sa tabi na sumusuporta, taga punas ng luha at saki'y nagpapasaya.
Kahit isang beses, di kita nakitang lumuha. Bakit nga kaya? Gaano ba kaganda ang buhay na meron ka? Sana kasing swerte mo din ako, kasing ganda at kasing talino.
Bukas ililibing ka na. Hindi mo man sinabi, ikaw pala ang may pinakamabigat na pasanin. Ang hirap isipin, mahirap tanggapin. Kung nasaan ka man, sana nakangiti ka na, na walang soot na maskara.
---
IRMY. ♡
