HINDI magawang umamin ni Akiko sa ina. Tumawag na ito pero panay ang rason niyang wala namang problema at gusto niya lang magpahinga ng ilang araw.
Pero malala ang problemang inililihim niya rito. Oras na malaman ng ina ang nangyari ay siguradong pauuuwiin siya nito sa probinsya. Gusto niya man dahil siguradong makakatakas siya sa mas malalang sitwasyon, ngunit may bumubulong sa kanya na huwag.
Pinapunta siya roon ng ama niya para magkasama na sila. Masakit na iiwan niya ang tahanan na para sana sa kanilang dalawa.
Ngayon ay isang buwan na siyang nakakulong sa bahay ng ama. Hindi niya magawang lumabas at pumunta sa kusina dahil umiiyak lang siya. Walang ibang nagtiya-tiyaga sa kanya kundi si Ivet na awang-awa sa sitwasyon niya, pero halatang pagod na rin at hindi na alam kung paano siya nito mapapalabas ng kuwarto.
"Akiko, utang na loob, kausapin mo na ako. Alam kong masakit, alam kong nahihirapan ka, pero mas lalala ang kalagayan mo kung ganito ka na lang palagi. Ayaw mo namang umuwi sa nanay mo. Hindi matutuwa ang tatay mo kung nagkakaganito ka."
Nagdadala ito palagi ng pagkain. Hindi to pumapalya. Pero hindi ito pumapasok sa kuwarto niya. Kaya laking gulat niyang tumabi ito sa kama niya't agad siyang dinulugan.
"Hindi magandang nandito ka at nanghihina. Paano kung balikan tayo rito ng abugadong iyon? Papayag ka bang darating siyang ganito ang sitwasyon mo?"
Muling pumatak ang mga luha niya't nagsimula ulit siyang humagulhol kaya't marahang hinaplos ni Ivet ang magulo niyang buhok.
"Ipinaglaban ka ng ama mo, hanggang sa huli niyang hininga, Akiko. Huwag na huwag kang papayag na mawalan ng halaga ang pagkamatay ng ama mo. Magiging makabuluhan ang lahat kapag naging masaya ka. Kapag naging payapa ka. Huwag kang papayag na sirain ng tuluyan ng Natasha na iyon ang buhay mo. Tatagan mo, Nene."
Ilang beses pang suminghot si Akiko bago napaupo at niyakap nang mahigpit si Ivet.
"Ang sakit po, nay! Parang hindi ko po kakayaning maging masaya! Parang binaril din ako ni Natasha pero ako lang ang buhay at nasa dibdib ko pa rin ang bala!"
Ilang beses na hinagod ni Ivet ang likod ng dalaga at hindi na rin napigilan ang maluha. Dama niya ang pighati ng dalaga dahil para niya na ring anak si Jason. Malaking kawalan din sa kanya ang pagkawala ng lalaki.
"Nandito lang ako, Akiko. Hangga't nararamdaman mo ang sakit na 'yan, hayaan mo akong tumulong para maibsan 'yan. Kahit hindi agad-agad. Dahan-dahan lang."
Parehong nalulunod sa pighati ang dalawa at habang nahihirapan sa pagkawala ni Jason ay pinapanood lamang sila ni Alfonso.
Pinagmamasdan niya ang dalaga at namamangha sa itsura nito. Unti-unti kasi nitong nahahalata ang pagkakahawig sa matalik na kaibigan. Ang maamo nitong mukha, ang maamo nitong mga mata.
Akiko's features screamed her true identity and he loved it. He wanted to take her already, but he had plans. Big plans. He can't just kidnap her while she's totally oblivious. She needs to find out everything on her own.
But in the meantime, he will wait for her to recover. That was the least thing he could do before pulling her to another chaos.
***
Another week passed by before Akiko tried to go out and meet some people. She started walking around the street and familiarized herself with the way.
Madalas din siyang lumalabas para bumili sa tindahan tulad ngayon na naka-bisikleta siya't papunta sa isang bakery na kailangan niya pang tawirin sa kalsada.
Hindi kanya ang bike. Sa bago niya iyong kaibigan na si Amy na kapitbahay niya mismo. Nakatira ito kasama ng ama na pusong babae at may ari ng isang magandang salon. Mababait ang mga ito at kakilala rin ng kanyang Nanay Ivet kaya madali siyang naging malapit sa mga ito kahit ilang araw pa lang silang magkakilala.
![](https://img.wattpad.com/cover/196841211-288-k330091.jpg)
BINABASA MO ANG
How To Be A Princess [Under Revision]
Action"This place is where you can do vile things, and people will love you for it." Discover the truth about the infamous All-black school! *** She finds it hard to believe that after she was welcomed by a tragedy in her n...