TWO months before the letter...
"O mani! Mani! Mani! Mani kayo diyan!"
Antok na antok na si Akiko. Pero mukhang magandang klase ng salabat ang iniinom ng mga vendor sa bus terminal dahil kanina pa ang mga ito sigaw ng sigaw pero hindi talaga napapaos ni pumipiyok.
"Mineral ate! Mineral!"
Hindi iyon ginto, hindi rin uri ng kristal. Sino naman ang maniniwalang may magbebenta ng mamahaling bato sa terminal na nakalagay sa maliit na basang timba? Ang tinutukoy ng tindero ay mineral water. Gusto man itama ni Akiko pero masyado na siyang stressed.
She was sitting in the waiting area an awful lot of time now, but the people around her were messy and just plain noisy. Beside her was a sleeping woman with her mouth half-open while hugging a travel backpack and snoring the hell out of her lungs while the vendors roaming around were screaming to get everyone's attention as if they were interested in eating peanuts at 9 pm.
Gusto na niyang sumigaw at pagsabihan ang mga ito na kung pwede lang ay manahimik muna ng limang minuto pero hindi kanya ang mundo. Isa lamang siyang di hamak na pasahero na kailangang puntahan ang ama at iwan ang ina ng isang taon.
Mahirap kapag hiwalay na ang mga magulang. Pero mas mahirap para sa kanya dahil literal na magkalayo ang nanay at tatay ni Akiko. Kalahating araw na biyahe sakay ng bus ang layo ng siyudad ng ama kaya't kung papuntahin siya ay hindi lang ilang araw na mamamalagi ang dalaga.
Huling taon na niya sa Senior High School pero nagawa pa siyang palipatin ng ina. Iniisip siguro na mas mataas ang lebel ng edukasyon sa siyudad kaya't doon na siya nito gustong magtapos.
Ang problema nga lang ay paano siya mag-aadjust? Panibagong lugar, panibagong mga tao. Hindi niya alam kung paano siya makikibagay.
Panay ang hawak niya ng bag dahil sa takot na manakawan ng biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Mabilis niyang dinukot ang bulsa para tingnan kung sino ang tumatawag bago ito sinagot.
"Hello, ma?"
"Nakaalis ka na ba?"
Lalong nagusot ang mukha ni Akiko bago tumingin sa paligid na nagkakagulo pa rin.
"Hindi pa po. Naghihintay pa po ako."
"Bayad ka na 'di ba? Ano pang hinihintay diyan? Pasko?"
Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga bago nakitang tinatawag na sila ng kundoktor dahil dumating na ang bus na para sa ruta niya.
"Okay na po pala, ma. Aalis na po ako."
"Kaya mo na 'yan ha? Tandaan, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ang tatay mo. Siya lang, wala ng iba."
Ang iniisip ni Akiko ay tinutukoy lang ng ina niya na huwag siyang magtiwala sa iba habang hindi pa nasusundo ng ama. Ang hindi niya alam ay may mas seryoso itong bagay na tinutukoy.
Natatakot si Felina, pero nangako naman ang dating asawa na hinding-hindi ito papayag na may makalapit sa anak na mula sa kanilang masamang nakaraan. Gagawin nila ang lahat, para sa kinabukasan ng dalaga. Ngunit may kailangan din talaga silang itaya.
Walang kamalay-malay na pumasok si Akiko sa loob ng bus at agad na tinungo ang pinaka-unahang upuan sa tabi ng bintana. Takot siya dahil iyon ang unang beses na babiyahe siya nang mag-isa sa lugar na hindi siya pamilyar. Pero wala siyang magagawa kundi ang ihanda ang sarili.
***
Naalimpungatan si Akiko at nakitang wala na ang pasaherong katabi niya kaya't bigla siyang napatingin sa dalang bag kung may nawawala ba. Mahirap na ang makampante.

BINABASA MO ANG
How To Be A Princess [Under Revision]
Acción"This place is where you can do vile things, and people will love you for it." Discover the truth about the infamous All-black school! *** She finds it hard to believe that after she was welcomed by a tragedy in her n...