DEAR Ms. Akiko Ybalde,
Congratulations! We are happy to inform you that you are eligible for a full Senior High School scholarship at Harman University. Included in this formal message is a black box containing all your needed materials for the class.
This scholarship is limited to HU branches only. If you will not be entering SHS this upcoming semester, we will hold the scholarship until you enroll. Please send this letter back to us if you completed the information below. If you are not planning to enroll in any HU branch, please write a note and send it to admissions@HarmanUniv.edu.ph as soon as possible to indicate that you will not be able to accept this scholarship.
If you have questions, feel free to send a message in the above-mentioned email. Welcome aboard, Harmanian!
Sincerely,
ALFONSO ROMERO
Principal, HU-HS_____I DECLINE. Please give this scholarship to another eligible student.
_____I ACCEPT. I will be enrolling in (year) ______.Gusot ang mukha at magkasalubong ang dalawang kilay na tinitigan ni Akiko ang laman ng itim na envelope na ibinigay sa kaniya ni Nanay Ivet.
Alas kuwatro ng hapon at nasa gitna sila ng masarap na meryenda nang biglang may kumatok sa kanilang pintuan.
Imbes na bill sa tubig o kuryente ay isang long sized black envelope at itim na box ang natanggap ng ginang na agad niyang ibinigay kay Akiko dahil nakapangalan ang padalang iyon sa dalaga.
Sa hindi malamang dahilan ay binigyan siya ng full scholarship ng eskuwelahan na sa tanang buhay niya'y hindi niya pa narinig. Ni entrance examination o letter of request ay wala siyang ginawa para sa kahit anong eskwelahan sa syudad, pero kataka-takang bigla siyang nakatanggap ng scholarship grant.
"Ano iyan, nak?" takang tanong ng ginang saka tumayo sa tabi ng dalaga't binasa rin ang imprintadong mensahe sa puting papel.
"Full scholarship daw po."
"Hala?" Napatayo mula sa upuan si Amy saka tiningnan din ang papel nang mahalata agad niya ang pamilyar na logo sa kanang taas ng papel. "Teka, Harman University?!" gulat niyang tanong at nanlalaki ang mga mata na napatingin kay Akiko.
"Oh? Bakit? Anong meron sa eskwelahan na 'to?"
Liban ata sa sorpresa na pamimigay nito ng full scholarship ay may iba pang kabigla-bigla tungkol sa eskwelahan.
"'Wag diyan, Akiko! Malala iyang eskwelahan na yan! Susko!"
Kahit si Nanay Yvet ay kinabahan na sa reaksyon ng kaibigan ng anak-anakan dahil halatang hindi maganda ang alam na balita ng dalaga. Nakatitig siya kay Amy, at seryosong nag-abang.
"Anong klase ba?" seryoso ngunit nahihiwagaang tanong ni Akiko habang hawak pa rin ang kaniyang baso.
"Walang buwan sa eskwelahan na yan na walang namamatay! Laging meron, at laging estudyante! At hindi dahil sa sakit ha? Ang sabi ay nagpapatayan daw ang mga nag-aaral diyan!"
Hindi alam ni Akiko kung ano ang mararamdaman. Nakakatakot at talagang napakasama, pero parang hindi rin kapani-paniwala. Masyadong seryosong akusasyon iyon kaya't hindi matukoy ng dalaga kung gawa-gawa lang iyon, o masyado lang dinagdagan ng impormasyon para magbigay ng takot sa iba.
"Mataas din ang kaso ng rape diyan! Alam mo, kapag nadadaanan ko ang eskwelahan na yan, nagtataasan ang mga balahibo ko!"
Mistulang lugar ng karahasan ang dating. Kataka-takang hindi man lang napasara ang eskwelahan kahit napakaraming kaso roon. Parang gusto tuloy niyang kontrahin ang kaibigan at parang hindi na makatotohanan ang mga kuwento nito.
"Hindi ba pina-iimbestigahan? Grabe naman. Edi sana nakialam na ang mga awtoridad at pinasok na ang eskwelahan na yan," ani Nanay Yvet habang kunot ang noo na nakatitig pa rin sa papel.
Tumango naman si Akiko bilang pag-sang-ayon.
"Baka panakot lang. O gusto lang gawan ng kuwento."
"Hindi iyon gawa-gawa lang! Ang dami nang naglabas ng ebidensya! Talagang makapangyarihan lang ang may ari ng eskwelahan na 'yan! Kilala kasi ang pamilya Romero sa buong bansa kaya malakas ang kapit!"
Lalong na-intriga ang dalaga sa eskwelahan. Parang naging isang malaking misteryo tuloy ang Harman University. Marami siyang gustong itanong, lalong lalo na kung bakit sa lahat ng may buhay na kulay ay itim ang pinili nila.
"Naku! Ang weird pa ng itsura ng eskwelahan na yan! Akala mo, bahay ni Lucifer! Kulay itim lahat! Hindi mo tuloy sigurado kung eskwelahan iyon o goth club!"
Pareho sila ni Amy ng iniisip. Parang laging may lamay. Kaya siguro iniisip ng marami na katakot-takot ang eskwelahan dahil sa napili nitong motif.
"Bakit naman kaya binigyan ka nila ng full scholarship, anak? At talagang nakapangalan pa sa iyo! Paano naman nila nalaman ang pangalan mo?"
Akiko was totally oblivious. Even she could not think of an answer to all of Nanay Yvet's questions. The only way for her to find out is to go to the school itself and maybe talk to the principal.
Hindi naman pwedeng basta-basta na lamang nalaman ng eskwelahan na iyon ang tungkol sa kaniya. Kararating niya lang sa lugar na iyon. Ni hindi rin siya pamilyar sa principal ng eskwelahan, at wala ring kwento ang kaniyang ama.
Then something hit her. She remembered overhearing something she was sure she wasn't supposed to hear.
Naalala niya na narinig niya ang pag-uusap ng kaniyang ama at ng di pamilyar na babae na nagpakilala sa kaniya bilang Natasha. Isang abogada na tila kaaway ng kaniyang ama ngunit interesado sa kaniya.
"My boss already guaranteed a hundred percent scholarship for Akiko in Harman University. Save yourself some worries. Let her experience her mom's teenage years!"
Kung sino man ang boss niyang iyon ay sigurado si Akiko na may kinalaman sila sa lahat ng nangyayari sa kaniya simula nang umuwi siya sa siyudad. May nalalaman ang mga ito na hindi sinasabi sa kaniya.
Hindi alam ni Akiko kung bakit hindi maganda ang naging salubong sa kaniya ng siyudad. Ngunit alam niya na pag-apak pa lang sa harap ng gate ng bahay ng ama ay meron nang bumubulong sa kaniya na dapat ay hindi na niya nilisan pa ang probinsya.
***
BINABASA MO ANG
How To Be A Princess [Under Revision]
Acción"This place is where you can do vile things, and people will love you for it." Discover the truth about the infamous All-black school! *** She finds it hard to believe that after she was welcomed by a tragedy in her n...