=2=

3 0 0
                                    

.190709.

Wala nang mas sasarap pa sa tunog ng chime, senyales na uwian na.

Dali-dali na akong nagsara ng laptop at kinuha ang mga gamit sa drawer saka sinukbit ang aking bag at nagpaalam na sa aking boss general manager pati supervisor.

Kinuha ko na rin ang aking tubigan sa canteen at naglakad sa hallway.

6:02PM.

Ito ang nakalagay na oras nung ako'y nagbiometrics. Pumunta muna ako ng CR para 'mag-ayos' sa sarili at gawin kung anong dapat gawin.

6:05PM.

Voila! Kamukha ko na si Liza Soberano pagkalabas ng CR. Deh joke lang. Tinanaw ng aking apat na mata ang maliit na bintana ng iyong office pero hindi kita nakitang nakatayo.

OT ka kaya ulet?

Bumalik ulit ako ng CR para kunwaring mag-ayos pa habang nakikinig sa aking playlist.

6:06PM.

Pwede na kaya? Sige one minute pa.

6:07PM.

Pagkalabas ko akala ko eto na ang katapusan ko dahil muntik na akong atakihin sa puso sa gulat nang makita kang naglalakad na papunta sa employee's area kasama si Ms. Yoona.

For the first time, magkatabi ang ating employee number nung tayo'y naglista para sa outgoing employees sa shuttle. Syempre nasa likod mo lang ako tapos sakin mo binigay yung listahan. Habang nasa byahe, kinuwento mo kay Ms. Yoona about sa wrist mo kasi sumasakit siya for some reason. May binanggit ka pa na may mga naoospital na dahil sa ganung case.

Naku, Carpal Tunnel Syndrome yan, hinuha ko.

Waw tiffany ang daming alam ah, dakilang tsismosa naman.

Nagchat na ako kay Sooyoung na nasa shuttle ako nang may tumawag.

"Hello bakla."

"Huy bakla ka din!"

"Wala kang proweba oy."

"Ano Seulgi, pupunta ka ba mamaya?"

"Hindi eh, magkikita kami ni Irene. San ba kayo?"

"Sa SM."

"Kakain kayo?"

"Hindi eh. Kwentuhan lang. Maraming chika kasi."

"Uy chika. O sige. If ever na G kami ni Irene san kayo magkikita?"

"Di ko pa natatanong si Sooyoung eh, pero posibleng sa sinehan kami."

"Ay teka, manood na lang tayo!"

"Luh, ano Annabelle? Libre mo?"

"Ulul si Irene ka ba?"

"O yun naman pala eh. Edi hindi." Tumawa kami.

"Basta sa chat na lang."

"Sige sige update mo na lang kami. Pababa na din ako ng shuttle."

Pagbaba ko ng phone, saka ko narealize na tumahimik yung mga kasama ko sa shuttle. Ang lakas pala ng boses ko. Di ko talaga maiwasan kapag tropa kausap ko haha. Baka si Ms. Taeyeon nabingi na din.


---


Wala nang mas sasaya pa nang makasabay ulit kita sa jeep.

Dahil uunti ang taong nag-aabang at himalang hindi masyadong traffic ang daan, diretso sakay ako pagkababa ko sa overpass. Eh nauna ka sa aking maglakad kaya alam ko na kung saan ako sasakay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Moments After Moments (taeny)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon