Marry me.

228 12 0
                                    

"Isang dosena ulit la. Kagaya po ng dati." Pagkausap ko kay lola na palagi ko binibilhan ng bulaklak.

"Napakaconsistent mo naman apo. Bakit hindi pa kayo magpakasal?" Natawa naman ako sa tanong niya.

"Malapit na lola. Abay po kayo ha?" Sabi ko pa na siya namang hampas sa akin ng mabigat nyang kamay at isang hampas muli galing doon sa sanga ng puno. Charot. Tangkay ng bulaklak talaga.

"Ikaw talaga! Puro ka kalokohan. Sige na nga puntahan mo na siya. Ikumusta mo ko kay Jaki ha?" Inabot naman niya sa akin yung order ko at yung sukli.

"Eh pano po pag ayaw ko? Char! Hahahaha! Sige po lola. Dalawin ka namin dito sa susunod. Ingat po kayo." Nagbless na rin ako bago umalis.

Damang dama ko sa sarili ko yung excitement para sa plano ko mamaya.

Dumaan na rin ako sa pinagpagawan ko ng singsing. Dahil nabusisi ko na ito noong nakaraang araw pa.

Nagdadrive. Smooth lang. Taking my time.. nagbibigay sa lahat ng sasakyan at taong tumatawid.

Todo ngiti.

At last. Nasa parking na ko.

Huminga ng malalim.

Kung kanina ay excitement ang nararamdaman ko ngayon ay may kahalong kaba na ito.

Kaya mo 'to.

Kinuha ko yung kahon na pula sa passenger seat.

Binuksan ko iyon.

Kitang kita ko ang kinang ng isang dyamante, na kasing ganda ng mga ngiti mo.

Yung ngiti mo na nakakapagpahinto sa akin sa mga ginagawa ko, yung ngiti mo kapag lumilingon ka sa akin, yung ngiti mo na hindi mawala sa isip ko, yung ngiti mo tuwing kasama mo pamilya mo, yung ngiti mo na nakikita ko tuwing nasusurpresa ka, yung ngiti mo na nakapagpamahal rin sa akin.

Gusto ko maexperience yon ulit pero bilang asawa mo na.

"I will always love you no matter what, love."

Nangingilid yung luha ko habang pinagmamasdan itong singsing.

Konti na lang, love.

Please, say yes.

"Hello, Brad? Okay na ba dyan? May kulang pa ba?" Aligagang tanong ko.

"Brad. Relak. Ikaw na lang kulang. San ka ba lalabas? Pag okay na? Sa toilet?"

"Siraulo nito. Tingin mo ba romantic iyon?" Natatawa naman siya sa kabilang linya.

Binulsa ko naman yung singsing at tsaka bumaba ng kotse.

"Ito naman di na mabiro. Dalian mo na at parating na raw si Jaki."

"Oo na ito na!"

Parang may kulang..

"La ka na naiwan?"

"Yung bulaklak! Diyos ko!" Napabalik ako sa kotse at dali daling kinuha yung bulaklak

"Sabing relak e. Sige na. Ingat."

Kabadong kabado na ko.

Nanginginig na yung bulaklak habang nasa elevator ako.

"Ang sweet naman ni sir oh. Alam mo. Laging may dalang flowers yan."

Napalingon ako sa kanila tapos napatakip ng bibig yung nagsalita yata.

"Hehe. Ako ba? Papakasalan ko na. Pagpray nyo sana mag yes siya."

Pangiti ngiti lang ako pero kabang kaba na ko talaga.

13 MONTHS (ONE SHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon