Maaari mo bang isambit sa akin,
Kung bakit tila ang madla'y 'di umiimik,
Hiyaw ng mga pipe ay 'di marinig,
Mga matang ilang taong nakabukas... pumipikit,
Bakit ang mga puno sa lupa natin,
Pilit nilulubog ang dapat sana'y mayabong na bukirin,
'Di mo man mapapasin sa ating paligid,
Ang luntiang lupa'y sementado na ngunit nakapikit ka pa rin,
Ilang beses kang tinuruan ng tama,
Subalit, ang mga papel na iyon ay tinangay sa dalampasigan,
Mistulang tahol ng aso ang napakikinggan,
Mula sa mga taong nangunguna sa lipunan,
Walang sensyas ang pag-atake ng mga lobo,
Sapagkat kinakalimutan na ang tunay na Pepeng maginoo,
Marapating buong buo ang telang suot,
Ngunit sa huli, sila pa rin ay nawawalan ng saplot,
Hindi ko alam ba't pilit silang pinapaupo,
Tainga kong kumakabog,
Sigaw ng mga bulag na mistulang dasal ng isang kulto,
Sayawan sa kubo at tronong bulok na bulok,
Pagsapit ng gabi, sisigaw si Pedro't mananawagan,
Sistema'y magbabago't maliliwanagan,
Ngunit mga taong nasa liblib – umiiyak,
Mga bayaning nawalan ng saysay,
Sa mga taong humahanga sa kanya,
Daan daang maralita'y namamatay,
Si Juan na naghihirap sa buhay,
Pagpikit, bakal ang kanyang hawak,
May entablado ang mga payaso,
Pagkat hawak nila ang larawan ng telebisyon,
Ngunit heto ka pa rin tawang tawa sa laro,
Larong nililihis ang kinabukasan mo.
C.C
P.S : Unedited snbfsnfgvsfngvfv