chapter 1

5 0 0
                                    

Title: Mahal kita tulad nung una.
By:france lesle oyardo

Isang araw namalayan ko na lang na tumatanda na ako, kami ng asawa ko. Tumanda kami ng hindi nai experience ang masasayang ginagawa ng kabataan.
"mario, nakita mo ba ang salamin ko? "-elsa.
"dalawin? Sinong dadalawin? "-mario.
"dadalawin? Anong dadalaw? Salamin!."-elsa.
"armalite?!! Anong gagawin mo dun?!!"-mario.
"hindi armalite, salamin!, hayy wag na, hahanapin ko na. "-elsa.
San ko ba nilagay yun?
"lola, ano pong hinahanap nyo? "-apo
"oh apo, hinahanap ko ang salamin ko, kanina ko pa nga hinahanap. "-elsa.
"la, naka sabit po sa ulo nyo. "-apo
Kinapa ko ang ulo ko at nandon nga
"ay, nandito lang pala, sumakit balakang ko kahahanap nasa ulo ko lang pala. "-elsa.
"sige po la, gawin ko na po assignment ko. "-apo.
"sige na apo, magluluto ako ng hapunan. "-elsa.
"la, kakakain lang po natin ng hapunan. "-apo.
"ay nako apo, pasensya na, nagiging makakalimutin na ako. "-elsa.
"sige po la "-apo.
*sa kwarto ng mag asawang elsa at mario*
Knock knock knock
"pasok! "-elsa
"lolo, lola, patulong po sa assignment. "-apo.
"asawa? !!Aba! Kabatabata mo pa para mag asawa! "-mario.
"hindi po lo, asawa --este assignment po pala."-apo.
"assignment daw! Bingi mo talaga"-elsa.
"ano ba yang assignment mo? "-mario.
"interview lang po, kwento nyo na lang po kung pano naging kayo ni lola hanggang sa pano kayo naging mag asawa. "-apo.
"alam mo kasi apo, yang lola mo eh mahina yan sa dalwang asignatura non nung nag aaral pa kami. At dahil ako ang top 1noon eh ginawa ba naman akong tuitor ng lola mo nung maam namin. "-mario.
"aysus apo, alam mo bang ako lang ang nag iisang nagkagusto sa lolo mo? Yang lolo mo kasi eh nasa 18 pa lang pero mukha ng survivor. Parang nabuhay pa noong panahon ng gera hahahhaha!! "-elsa.
"so, dun nyo na po minahal yung isat isa? "-Apo.
"opo"-mario at elsa.
"aahh. Medyo sweet po pero wala po bang thrill? "-apo.
"meron naman, nung ginawa namin papa mo. "-mario.
Pinalo ni elsa sa balikat si mario..
"ikaw talaga. Sige na apo, matulog ka na. May pasok ka pa bukas. "-elsa.
"sige po, good night po "-apo
"gudnyt"-mario at elsa.
Nang mahiga ang mag asawa.
"gusto mo ulit ng thrill? "-mario.
"tumigil ka nga mario, tanda tanda mo na eh. "-elsa.
Nangisi si mario sa pang aasar sa asawa.
"mahal kita elsa, sayo ko lang nakikita ang buhay ko. "-mario.
Napangiti si elsa. Pumikit si mario at mayamaya lang ay nag hihihilik na ito. K7ng sana lang ay nagawa ko pa ang mga gusto ko noong kabataan ko. Gusto kong bumalik sa pagkadalaga at sulitan ang sandali. Pinikit nito ang mata at na tulog na

Krrrriiiiinnnnggg !!!!krriiiinngg!!!!
"elsa!!! Bumangon ka na jan!! Late ka na naman!!!! Elsa!!! "-nanay.
"ma?!! "-elsa.
Mama ko ba yun?. Napalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni mama. Napatakbo si elsa sa baba at hinanap ang ina nitong nagluluto ng agahan.
"late ka na namang gumising, kumilos ka na! "-nanay.
Napatulala si elsa sa ina. Nang mahimasmasan ay niyakap nya ito ng mahigpit at umiyak.
"ma, miss na kita, miss na miss na kita. " hagulgul ni elsa sa ina. Nagtaka ang ginang sa inasta ng anak. "elsa, tulog ka pa ba? Maligo ka na nga ng magising ka! "-nanay.

Nakabihis na si elsa ng uniporme pampasok at nakakain na ng almusal. Bago ito umalis ay tumingin muna ito sa salamin at tinignan ang sarili. Di makapaniwalang bumalik sa panahon ng pagkadalaga. Inisip nyanglubusin na muna ang panaginip bago tuluyang magising.

School:
"good morning ms. Aragon."-elsa.
"You're late again ms. Laurel. "-ms. Aragon.
"sorry po, hindi na po mauulit. "-elsa.
"yan naman talaga lagi ang sinasabi mo, take your sit. "-aragon.
"sorry po talaga maam. "-elsa.
Dumiretso si elsa sa upuan nya. Tanda nya pa kung saan ang dati nyang upuan. Hindi nga lang nasyadong tanda ang lahat ng kaklasi maliban kay mario..
"Mario!!! "- kumaway sya rito. Nagtaka naman ang lahat dahil sa gitna ng discussion ng guro ay biglang sisigaw si elsa.
"may kaylangan ka ba kay mario elsa? Kaylangan bang tawagin mo sya habang nagdi discuss ako? "-aragon.
"sorry po maam, naexcite lang, hehe. "-elsa.
"Aayyiiee, mario excited daw sayo si elsa!! Hahahah!! "nag sitawanan ang buong klase. Nakaramdam si elsa ng hiya ganon din si mario.
"tahimeeeekkk!! "-aragon.
Nagsitahimik ang lahat. Ibinalik ng guro ang pag tuturo. Napatingin naman si elsa kay mario na nakatingin din sa kanya, nginitian nya si mario kaya yumuko ito para itago ang hiya.
Nagdidikta ng score ang guro.
"sophia 20,andres 18 ,elsa 6 ang lowest na bindi tumaas taas. "-aragon.

i love you alwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon