Mahal kita tulad nung una...
Ito na ang wakas my gas.ToT
"Pwede ko po bang malaman ang dahilan?"-ms.aragon
Sandaling natahimik ang ginang bago ito magsalita.
"Nabuntis po ng anak ko ang isang istudyante dito."
Nagulat si elsa sa narinig,tatlong buhag ang nasira nya. Ang buhay ni sindi na dapat ay nag asawa ng chinesesa future, ang buhay ng asawa nya na dapat ay makakapag aral pa at ang huli ay ang buhay nya. Sirang sira na. Matapos ang napag usapan sa loob ng faculty ay lumabas na ang mag ina. Naabutan nila si elsa na umiiyak sa labas. Galit pafin ang ginang kay elsa pero nilapitan nya pa tin ito at kinausap.
"Ayus ka lang ba hija? Nalulungkot ka ba sa nangyari?"-mrs.murrer
Hindi naka imik si elsa.
"Huwag mo ng balakin na humingi ng tawad. Alam ng anak ko ang tinatahak nyang landas."-mrs.murrer.
"Sorry po, pwede ko po bang makausap si mario?"-elsa
Tumingin muna sa anak bago pinayagan
"Anong kaylangan mo?"malamig na pakikitungo ni mario kay elsa
"Sorry, hindi ko sinasadyang baguhin ang nakaraan. Patawarin mo o mahal."-elsa
Napatingin si mario kay elsa at di makapaniwala sa narinig.
"Mahal mo ko?"-mario
"Mahal kita, dapat ako yung asawa mo sa future ."umiiyak na sabi ni elsa
"Hindi ko makita ang makita ang future kasama ka. Hindi kita mahal, si sindi ang mahal ko."-mario
"Parang awa mo na ,wag si sindi dahil may nakatadhana sa kanya."-elsa
"Sino ka naman para sabihin yan? Si sindi lang ang gusto ko makasama sa pagtanda ,sya lang hindi ikaw!-mario
"Baka naman kahit konti may lugar ako sa puso mo..."-elsa
Natahimik si mario. Kahit meron, kahit mas lamang ang nararamdaman ang nararamdaman nya kay elsa ay nakagawa na sya ng mali kay sindi. Kaylangan nyang panagutan ang magiging anak.
"Meron, kaso huli na, hindi na pwede."-Mario
Sabi nito bago tuluyang umalis. Doon lang narealise ni elsa na dapat nakontento na lang sya. Bigla nyang naalala ang kasal nila ni mario, ang pagbili nila ng pinapangarap na bahay, ang damayan ng isat isa noong pumanaw ang mga magulang at pag buo ng masayang pamilya ng magkasama. Mas masaya pala yun kesa sa panandaliang saya sa mga disco. Gusto na niyang bumalik sa future. Gusto na nyang magising sa bangungot na nagawa.
Isang linggo ang nakalipas ay hindi na nya ulit nakita pa sj mario, lagi na shang nagkukulong sa kwarto , hinihintay na makabalik sa present na imposible ng mangyari hanggang sa isang araw ay maaga syang pumasok. Nakita sya ni Ms. Aragon kaya nilapitan sya nito.
""Elsa, maaga ka ata ngayon?"-ms.aragon
"Opo maam, mas gusto ko na dito, baka po makita ko si mario ulit."-elsa
"Hindi mo ba nabalitaan elsa?"-ms.aragon
"Ang alin po?"-elsa
"Wala na si mario.... Nasagasaan sya."-ms.aragon
Sa narinig ni elsa ay parang tumigil ang mundo sa pag ikot at di makakilos. Nanikip ang kangang dibdib.
"H-hindi po totoo yan maam"-elsa
"Elsa...tatlong araw nang nakahimlay si mario ."-ms.aragon
Nanghina si elsa , hindi matanggap ang narinig.
"Ayus ka lang ba,elsa?"-ms.aragon
Umiling iling ito at tumakbo papuntang c.r. doon nya nilabas ang pighati at lungkot na nadarama.
"Ibalik nyo kp sa dati pls,para nyo ng awa!!gusto kong makasama ang asawa ko!!!!"-elsa
Napaluhod sya sa sahig at iyak ng iyak.
"Hindi ko kagang mabuhay ng wala sya, sya ang buhay ko.."-elsa. Bago tuluyan na mawalan ng malay. Unti unting minulat ni elsa ang mata ng maramdamang may mabigat na nakapatong sa tyan nya. Tinignan nya kung ano yun at may kamay na nakayakap sa kanya. Lumingon sya sa may ari ng kamay ganon nalang ang saya nyang makita ang asawang humihilik. Niyakap nya ito at ibinalik nya ang dating pagmamahal sa asawa. Alam nya na kung pano makontento at kung bibigyan man sya ng pangalawang buhay ay hihilingin nyang si mario ulit ang nakatadhana sa kanya
"Mario.."-elsa
"Hmmm?"-mario
"Mahal kita tulad nung una kitang makit..."-elsa
----wakas----

BINABASA MO ANG
i love you always
Short Storysi elsa ay matandang babae na asawa ni mario. Gusto muling bumalik ni elsa sa pagkadalaga para maranasan ang mga hindi naranasan noon , nabigyan sya ng pagkakataong bumalik sa pagkadalaga at gawin ang gustong gawin ngunit nagkaroon ng pagbabago, ma...