The Four Shadows ii

17 1 0
                                    

"Ano Joy?! Nagrerebelde ka na ha? Kung gusto mong lumayas, lumayas ka! Hindi yung pinag-aalala mo si Papa mo dito! Ano ka ba satingin mo, espesyal?!"- singhal ni Aling Belen, step-mother ni Joy, habang hinahagis ang mga damit ng dilag sa labas ng bahay.

"Sampid ka lang dito! Ilagay mo yan sa kukuti mo!"- at isinarado ang pinto, naiwan sa labas ng bahay ang dilag, pinupulot ang mga kagamitan niya nakakalat habang walang tigil sa pagluha. Anong klaseng ina ang gagawa nito sa kaniyang anak? Anong klaseng ina ang magagawang sabihan ng ganoon kasakit na mga salita ang kaniyang anak? Ni-hindi manlang nito tinanong kung may problema ba siya, o di kaya kung bakit ngayon lang ito nakarating. Walang kwentang ina. Kahit pa sabihing hindi nga ito nanggaling sakaniya, obligasyon niyang ituring itong sariling anak pagkat kasali sa sinumpaan niya sa pagsasama nila ng ni Emil, ama ni Joy.

Nang aalis na sana siya, lumabas ang kaniyang ama, binigyan siya ng address at pera. "Pumunta ka jan, apartment iyan na pagmamay-ari ng tiya mo, wala ng nakatira jan, jan ka muna manatili. Bibisitahin kita."- at yinakap sya nito. Di batid ni Joy kung papasalamatan ba niya ito, wala na ba talagang choice ang papa niya at papupuntahin pa siya nito sa isang lugar kung san wala siyang kasama?

Nang marating ni Joy ang lugar, sinalubong agad siya ng Tiya Eva niya, ibinigay ang susi, walang sabi-sabi at umalis din kaagad. Napatawa ang dilag ng mahina, ano ba ang nangyayari sa paligid niya? Bat parang lahat ay ayaw sakaniya? Bat walang gustong kumausap sakaniya? Bakit walang may pakialam sakaniya?
Noon pa man, ganito na siya kung tratuhin ng lahat, pero ngayon lang niya napagtanto.

Inayos niya ang mga gamit atsaka humiga sa kama, sa sobrang dami ng iniisip niya, hindi na niya naalala pang hindi pa siya nakakain.

Tumingin siya sa ilaw, iniisip na, kung sakali mang sunduin siya ng liwanag, sasama na agad siya dito. Ngunit paano pag ang apat na anino ang hahatid sakanya? Napailing nalang siya. Hahanapin niya muna ang tunay niyang ina. Sa kakaisip sa mga nangyari sa araw na iyun, muli siyang napaluha, gabi-gabi nalang, hanggang kailan siya maghihirap? Hanggang saan niya kakayanin? Ano pa ba ang daoat niyang gawin? Kailangan na ba niyang magbago? Paano niya ito magagawa? Iniiwan nalang siya palagi. Kinakalimutan, at naaalala lang pag may kailangan sakaniya. Sana naging manhid nalang siya, para hindi na niya nararamdaman ang ganiyang sakit, ang ganyang kakulangan, ang ganyang pakiramdam.

Nakaidlip siya sa mga sandaling naisip niya ng magpahinga. Hinihiling na, kung wala rin lang namang saysay ang buhay niya, sana kunin nalang siya.
 
...

Nagising siya ng alas-tres ng madaling araw, at nararamdaman niya ulit ang apat na mga kamay hinahawakan ang mga braso niya't binti, hindi siya makagalaw, hindi siya makasigaw. Kailanman, hindi niya narinig ang boses ng apat na aninong ito, di rin niya naaninag ang mga wangis nito, pero dinadala siya palagi sa isang madilim na lugar, at sa dulo'y may isang napakagarang pinto na gawa sa pilak at ginto, na pinalilibutan ng mga di kilalang bulaklak.

Minsan naaakit nito ang kanyang isipang pumasok pero agad naman siyang bumabalik sa sarili at naisip na baka pag pumasok siya roon ay di na ulit siya makakabalik pa.

Ngunit sa pagkakataong ito, may nakita siyang isang babae, sumisigaw, pero walang marinig si Joy.

"Kahit anong mangyari, huwag kang papasok!"

Sumenyas ang isang anino na kailangan na ni Joy pumasok pero umiling ang dilag at kumalas. Tumango nalamang ito sakaniya.

"Kailangan ko pang mabuhay, kahit nakakapagod na, pero salamat sa inyong apat, kayo lang kase ang laging dumarating sa tuwing nag-iisa ako, aaminin ko noong una'y natakot ako sa inyo, pero napagtanto ko na, hindi naman kayo masama. Kahit ilang beses ko na kayong itinataboy hindi kayo sumuko at lumayo. Parte na kayo ng buhay ko kahit kamatayan na ang hinaharap ko. "

Grey Minds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon