Estudyante

8 0 0
                                    

One Shot

( Based on true event,  told by our teacher. )

Chelsea,  a gorgeous face with  gorgeous issues.

Alas-dose ng tanghali na gumigising,  dahil puyat sa kaka-club.  Wala ng alam sa klase dahil puro lalaki ang inaatupag.  Akala mo kung sino umasta,  pero walang pakundangan sa pamilya.

Akala niya siguro ay mayaman siya,  ngunit ang mga magulang niya ay nagsisikap at nagtitiyaga sa gitna ng palayan,  nagsasaka,  para may maitustos sakaniya, sakanila. Alam niya nang ganoon ang sitwasyon ng buhay nila pero,  heto siya,  aliw na aliw sa kakasayaw kasama ang nobyo.
Maya-maya na ay magmimilagro na ang mga iyan kasama ang mga barkada.

Ilang taon nang paulit-ulit niya iyang ginagawa.  At ang grado niya ngayong senior high,  bagsak!

Pero wala siyang pakialam,  deserve naman talaga niya eh,  at alam niya iyun.

"Nak naman,  bakit ganito ang grado mo?  Sana'y mag-aral ka naman ng mabuti dahil para rin naman sa iyo iyan. "- wika ng kaniyang ina

"Eh? Ang hirap kaya mag-aral Ma,  andami-dami ko na ngang problema tss! P*ta !" sagot niya dito at umalis.

Batid ng kapit-bahay nito na isang guro ang mga pinanggagawa ng dilag.  At matagal na niya itong binabalakang pagsabihan pero sa sobrang pag-iwas ng tadhana ay di sila nagtatagpo.

Hanggang sa...

Happy 18th Birthday Chelsea!

At inimbita si Ginang Erin Manipula,  dating guro ni Chelsea kabilang sa 18 bills.

Mukhang itinakda ng araw na ito sakanilang dalawa upang magharap.

Isa sa pinaka-paboritong guro ni Chelsea si Ma'am Manipula,  pagkat siya ang pinakamabait sa lahat ng nakilala niya at pinakamatalino rin.
Nakakamangha ang ganitong uri ng guro.  Di batid na pinagmamatyagan pala siya nito sa ilang taon.

Hindi maipagkakailang napaka-bongga ng kaniyang debut.  Sa plaza pa hineld.  At napakaraming bisita. Sari-saring dekorasyon at napakagara.

Pagkatapos siyang isayaw ng 18 mga naging nobyo niya, mga 18 roses, at sabihan siyang...  "isa ka sa hindi ko malilimutang ex, sana mahanap mo na ang forever mo. "

Pagkatapos siyang bigyan ng 18 kandila,  at sabihan siya ng mga kaibigang,  "God bless you,  wish you all the best,  good health and good fortune,  we love you. "

At mabigyan ng sandamakmak na regalo.

At 17 bilog na tig iisang libong piso.  Saktong ang guro pa ang nahuli.

Tahimik ang buong plaza, naghihintay sa kung magkano ang ibibigay ng guro.  Iniisip ng dilag na isang libo ang ang ibibigay sakaniya ngunit nagulat siya nang binigyan siya ng guro ng lumang bente pesos, yung tipong nangingitim na,  at punit-punit pa,  parang hinilamos lang sa pwet mo.  Nagtaka ang lahat at nang iangat ng guro ang mikropono at magsalita.

"Marahil nagtataka kayong lahat,  mas lalo ka na,  birthday girl. "

"Ako nga pala ang EsP teacher ni Chelsea noong grade 7 palang siya,
At mag-uumpisa tayo sa puno. "- at matamis siyang ngumiti

"I'm giving you the most precious gift tonight my dear,  this 20 peso bill.
Bakit?  Natatandaan mo pa ba kung sino at kung anong uring bata ka dati?
Hayaan mo akong ipaalala sa iyo.  Isa kang tahimik,  masipag mag-aral,  napakabait,  at mahiyaing estudyante.
Honor student,  perfect attendance and most behave. "- napalunok ng laway ang dilag,  ang mga salita ng guro ay tila tintang sumusulat sa kaniyang isipan. Hindi niya inakalang mangyayari ito ngayong kaarawan niya.

"I thought you will raise your family from poverty. "- at doon na tumagos sa puso nya ang mga salita ng guro, naalala nya kasing pinasulat siya noon kung ano ang goal nya at iyun ang kaniyang isinulat,  ang iahon sa kahirapan ang pamilya.

"Paiba-iba ng lalaki, minsan doon ka pa sakanila tumutuloy?
Kamusta gab-i niyo neh? (Kamusta ang gabi niyo girl)
Tapos puro syete grado mo? 
Yun ba ang pinaghirapan ng magulang mo? Ganyan mo ba tutuparin ng mga pangarap mo? "- at inikot nito ang mata sa buong plaza.

"napakabongga naman ng debut mo ohh, samantalang ako noon,  walang handa, dahil iniisip kong mas mabuting ipambayad nalang iyun sa mga utang,  kesa igastos at wala namang makain sa susunod na araw. Pero ikaw,  wow,  napaka-swerte mo,  imagine,  nagsisikap ang mga magulang mong paaralin ka,  tapos,  grabe ka makasagot sakanila ng pabalang, hinandaan ka pa talaga?  Saludo po ako sa inyo,  nay,  tay. "- at maluha-luhang ngumiti ang mga magulang nito sa guro.

"Malaya kang magalit sakin,  ito,  tanggapin mo muna ang regalo ko"

At doon na nagsimulang humagulgol ang dilag.

"I can give you the bill that you want,  or any amount you wish,  but tonight accept this 20 peso bill. "- naantig ang puso ng lahat.  Sino ng mag-aakalang may isang gurong magsasabi nyan sa kaniyang estudyante?

Parang sinampal ng 18 beses si Chelsea sa mga salitang binabanat sakaniya ng guro. Di nya malaman kung magagalit ba siya o masisiyahan.  Tama naman siya eh,  puro katotohanan lang naman ang mga sinasabi sakaniya ng kaniyabg guro, at walang kasinungalingan, kaya't bakit siya magagalit?  Ganoon ba kakitid ang utak niya para hindi maintindihan ang nais ipahiwatig ng guro?

"To remind you who you were, and who you are now.  Isipin mo ng mabuti kung ano ang dinadaldal ko sayo ngayong gabi,  Chelsea, and I want to catch your attention,  and mark this in you.  Sometimes the old times were better than now that your wasting your life. I want you to bring back,  the old Chelsea. "

"and lastly,  have you ever thank your parents?  Then say it tonight with that tears. "- huling salita ng guro at ngumiti sakaniya.

"Nay,  Tay, salamat po *sobs* sa lahat ng sakripisyo niyo sakin,  sa tiwala na nanatili kahit ilang beses ko mang binalewala,  at sa lahat na ginawa niyo para lang dito. "
At iiangat niya ang kaniyang medalya sa harap ng madla

"hindi ko ikakahiya ang aking mga magulang na nagporsigi sa  Suma-Comlaudeng estudyante sa harap niyo ngayon. "- at ngumiti siya,  nagsipalakpakan ang lahat habang nakatingala sakaniya,  at sa kaniyang mga magulang.

At nang masilayan niyang muli ang gurong nagbigay daan sa buhay niya,  napaiyak siya lalo.

"Lightnings were painful enough to drag you down,  but if you think you deserve that,  it will lead you the way... back home. "

"for that,  thank you Ma'am. "

The end

Paano nga ba natin masasabi na mabuti ang ating ginawa/ginagawa?

Ito ay masasabi nating mabuti kung mabuti ang kinalabasan sa ating kapwa, kung wala tayong intensyong masama sa iba,  at kung ito'y nagwakas ng magandang resulta.

Sabi ng guro ko,  kung hindi raw lumang 20 pesos ang binigay niya,  hindi daw niya makukuha ang atensyon ng dilag,  dahil nakatuon na ito sa isng libong ibibigay niya.
Minsan kase hindi naman talaga kailangang maganda at mabuti lagi ang sinasabi natin sa kapwa,  minsn kailangan din natin silang hampasin ng katotohanan para magising. Dahil kung totoo kang may pakialam at nag-aalala sakaniya,  hindi mo hahayaang ipagpatuloy pa niya ang kaniyang gawing alam mong mali.

Dahil sa araw-araw na ginagawa nila ito at dahil nakasanayan na ng mga tao, nalilimutan nilang mali pala ang kanilang ginagawa.  Porke hindi na pinapansin ng iba at nakasanayan na,  ang mali ay nagiging tama, at iyun ang napakalaking kamalian na nangyayari sa panahon ngayon.

Kaya sana,  magising na tayong lahat sa maling mentalidad,  na masama ka kung nakakasakit ka ng iba, dahil magkaiba ang mahina sa tunay na mabait,  magkaiba ang mabait sa mahina.  At pag-isipan mo iyang mabuti, bago ka umiyak ng walang dahilan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Grey Minds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon