The Four Shadows

18 1 0
                                    

Nagising ako sa alarm clock, pero di naman talaga ako nakapikit, di naman ako natulog. Di ako makatulog.

"Take me to the rooftop,
I wanna see the world when I stop..."

Napatingin ako sa paligid, ang lamig, ang dilim at ang lungkot, kanina halos tinawagan ko na silang lahat, pero ni-isa walang sumagot. Ganoon ba sila ka-busy? Gusto ko lang naman ng makakausap. Natuyo narin ang mga luha ko sa tagal. Wala na kong maisip na iba, kundi ang tanong na , Bat ako nag-iisa?

Nagmamakaawa na makatulog na ko bago pa ko gumawa ng kung anong kabaliwan. Bago pa sila dumating. Bago pa nila ako kunin.

"And If you need me, wanna see me,
You better hurry, cause I'm leaving soon..."

_____BlackOut____

Napamulat ako ng may apat na aninong humahawak sakin, "Wag ngayon! Ayoko sumama sa inyo! Tigilan niyo na 'ko!"- pagmamakaawa ko, pilit na pumipiglas sa mahigpit nilang paghawak sa magkabila kong braso at paa. Tuwing gabi, nandito sila, binibisita ako, hindi ko sila kilala, hindi ko rin nakita ang mga mukha nila, pero isa lang ang alam ko.

"Ughhhh!"

"hejznnsjwiiwisjnbs"

"Waaaaaah!"

Sari-saring ingay ang pumapalibot sa paligid ko. Dinala nila ako sa isang lugar kung saan tanging dilim lang ang makikita, hindi ko maintindihan ang mga naririnig ko, may umiiyak, sumisigaw, humihikbi, tumatawa, nagmamakaawa, at iba pa. Nakakatakot.

"Ayoko na!"- Tanging sinisigaw ko, umiiyak at humihingi ng tulong, biglang nagkaroon ng apoy at ang naaninag ko ay mga bakas ng dugo.

Di ko na kaya! Nagdasal na lang ako sa maykapal na sana'y gisingin na niya ako, mangiyak-ngiyak ko itong ginagawa. Mas lumalakas ang ingay at halos mabingi na ako sa ingay.

May nakita akong pintuan at pinalilibutan ito ng mga magagandang bulaklak na hindi makikita dito sa mundo. Hinihila ako ng apat na aninong papunta doon, pinipilit na pumasok. Pilit akong pumipiglas, ayoko!

At nagising ako nang may bumuhos sakin ng tubig.

"Ma!"- at yumakap ako sakaniya ng mahigpit. Marahas siyang pumiglas at sinermonan ako. "Tumigil ka nga, timplahan mo kami ni Papa mo ng kape."- at umalis, agad kong linigpit ang higaan ko't tumimpla ng kape, pagkabigay ko kay Mama, inismiran niya lamang ako, samantalang si Papa naman ay ngumiti.

"Musta ang school mo anak? Dapat maging First ka ah."- Papa, ngumiti nalang ako ng pilit. Hindi pa ba sila sawa sa mga medalya ko na nakatambak lang sa loob ng jar? Atsaka, gusto ko naman magpahinga, ilang taon na akong nagsisikap sa First Honor na iyan, buti sana kung pabaya ang mga kaklase ko eh, halos honorol din sila lahat.

"Dapat lang, para may silbi naman."

Kumuha lang ako ng isang pandesal at nagligpit. Linakad ko ang kalye papuntang paaralan, buti nalang hindi pa gaano karami ang mga sasakyan sa ganitong oras kaya medyo sariwa ang hangin. Baka sakaling malinis nito ang utak kong magulo, at di maintindihan.

Ako nga pala si Joy Robino, 16 years young, ayoko namang ipagyabang pero consistent first honor ako since birth, kahit pamasahe lang yung binibigay saking pera, marami rin akong kaibigan, volleyball is life, at may gwapong boyfriend, si Jolo, basketball player.

Grey Minds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon