Pina

7 0 0
                                    

Naaalala kita tuwing sumasapit ang tag lamig.

Sa dahilang ako'y madaling sipunin o lagnatin.

Ikaw ang nag papaalala sa akin na ingatan nating mga katawan natin.

Binibigyan mo ako ng gamot. Mainit-init na tsaa at magkayakap tayo sa tuwing alam mong ako'y nilalamig na. Kahit na pwedi kang mahawaan ng sipon o lagnat.

Ngunit ngayon sasapit ulit ang deciembre. Ngayon lang kita ulit naaalala.

Kahit hindi man tayo pinag tagpo ni bathala, ikaw naman ang nag papaalala sa akin na maging malakas ako sa panahong doon ako mahina.

Ikaw din ang nagturo sa akin kung paano mahalin ang ating mga sarili.

Ikaw din ang nag papaalala sa akin na maging masaya at maging positibo dahil maikli ang ating buhay.

Kahit may pag sisisi na iniwan kita. Hindi mo sinisi ang galit mo sa akin sa pag ka't pinatawad mo ako at hinayaan mo akong maging masaya kung sa ano mang daan na aking patutungohan.

Inintindi mo nalang lahat.

Kahit masakit na.

Sabi nga nila, "gaano man katagal yan, kapag ang iyong isipan at puso ay nag bago. Wala kang magagawa" pero kapag iba ang sitwasyon natin...

Dahil sa "isipan ang nagbago ngunit ang puso ay nanatili, ikaw ang pipili kung sa ka mas sasaya"

Ngayong limang taon na ang lumipas.

Ngayon kita mas lalong hinanap.

Ang puso ko naman na ang nag hahanap ng kaligayahan.

Saan ka naba?

May asawa ka na ba?

O pamilya?

Ano na ang kinakaabalahan mo sa buhay?

Natupad mo na ba ang mga pangarap mo?

Ang bahay ng gusto mong ipatayo?

Kamusta na?

Ang ang laging tanong na gusto kong sabihin sayo, "mahal mo pa ba ako?"

Kung Ako...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon