Masaya na ako.
Ano pa ba ang aking hinahanap?
May bahay na ako.
Malaki pa, may swimming pool, at tatlong magagarang kotse.
Sa madaling salita, ako'y mayaman.
Isang sikat na singer.
Popstar, diva, at ballad era ng Pilipinas.
Wala na akong hahanapin pa.
Mangliligaw? Marami ako niyan. Naka-pila pa sila.
"Wehh!" Ang laging sagot ng aking magaling na kaibigan na si Devana.
"Pero anong hinahanap ng puso mo?"
"Sinong tinitibok ng puso mo?"
"Tumitibok pa ba?"
Mga tanong niya sa akin.
Masakit pero totoo.Sino pa ba ang tinitibok ng puso ko?
Siya nga.
Ang lalaking nag papaalala sa akin na maging masaya.
Ngunit mismong ako ang umiwan sa kaniya.
Teal.
"Yan ang pangalan ng lalaking iniwan mo, ang tunay na nag mahal sayo gurll!" Mga salita ni Devana na umiikot sa aking ulo.
"Alam ko. Pero kinaylangan" ang aking laging tugon.
Wala na akong magagawa dahil nasa hinaharap na ako.
Hindi na may babalik pa ang nakalipas.
Kung pwedi lamang.
"Ipag papalit mo lahat ng pinag hirapan mo para lang sa lalaki?!" Ang bunganga ni Devana na umaaliwasaw.
Ngayon ko lang napag tanto na lahat ng aking musika ay wari sa pag ibig.
Para kanino lahat ng iyon?
Saan ko siya na hugot?
"Edi sa pag mamahal! Pag mamahal na kinaylangan iwan" muling buka ng bunganga ni devana.
"Devana, nakakailan ka na?! Kung hindi dahil kay Pina baka nasa divisoria ka paren nag bebenta ng pekeng panty ng Victoria Secret!" Sambit ni Char.
Si Char at Devana para lang silang katang isip. May positibo o negatibo. Alam mo na kung sino sila doon.
Pero sila din ang mga taong aking kinapitan nang ako'y nahihirapan na sa buhay.
"Hindi madali ang narating niya! Dahil kahit kaylangan mag sakripisyo, sa dahilang ikakabuti niya yon!" Dagdag na tugon ni Char.
Pero paano ba 'to nag umpisa?
Paano nabuksan ang pusong matagal ko ng ikinandado.
"Edi yung isa mong BEST FRIEND na host ng Tv show" mga salita ni Devana.
Si Gilda De Los Santos.
Oo matalik ko siyang kaibigan.
Oo ngunit dati yon.
Pero bakit ikinaylangan niya akong tanungin, sa mismong kaniyang show!
"Diba? May gusto din siya kay Teal." - Charr
"Ay oo nga pala! siya kasi ang ONLY FIRST LOVE niya! At nasa diary niya pa mula high school, at ini-announce niya pa sa buong paaralan na may feelings daw siya kay Teal!" Ang kalokang pasigaw na sambit ni Devana.
At Oo pala, ako itong nang agaw ng tadhana.
"Pero iniwan mo?!" Dagdag ni Devana. "Pucha At Taragis ka Pina! Bakit kaylangan mo pang idamay si Teal sa pangalan mo?!"
Parehas kami ni Char na hindi naintindihan ang pahayag ni Devana.
"Kasi nga PINA-bayaan mo siya! PINA-kawalan mo siya! At PINA-uubaya na sa iba!" Ang tugon ni Devana. "Pero pwedi mo pa siyang ma-reclaim!"
Kalokang pag iisip ni Devana Marriet Vonimo, nag mana sa kanyang pangalan.
"Alam mo bang?! Isa na siyang music director ngayon. In addition gurlie! Siya pa ang head ng kaniyang Entertainment Company!" Ang sambit ni Devana.
Music Director...
Hindi kaya siya ang mag sho-shoot sa Music Video na gagawin namin sa lunes?!
"Sinabi na ba ng manager mo kung anong kompanya ang mag sho-shoot sayo?" Ang tanong ni Charr.
"Lively Star Production"
Sabay search sa internet tungkol sa kompanyang ito.
"Teal Frederick Gomez!"
"Putaragis! Ayan pinag tatagpo kayo ni kamatayan gurlie! Dahil nakasaad sa papel na siya ang magiging asawa mo Till Death To Us Part!" taragis na sambit ni Devana.
"My Way nalang ang gagawing kong rendition pero sasabayan niyo ako mga gago!"
BINABASA MO ANG
Kung Ako...
RomanceMuling binabalikan ng nakaraan si Pina kung sino muli ang kaniyang pipiliin. Kasabay ng kaniyang Career bilang isang sikat na musikero ng pilipinas, magiging abala ba ito sa kaniyang hinaharap.