Chapter 2

7 1 0
                                    

Signage

"Hoy! Kanina kapa tulala Arry. Simula nung dumating ako dito. Tell me? May nangyari ba?" Bakante kami ngayon ng isang oras at Di ako natutuwa dun. Pano ba naman nakahanap ng tyempo tong medyo kulang sa pansin kong kaibigan para mangdaldal.

Niyugyog niya pa ang balikat ko para mapataas ako ng kilay. "Ay ang taray naman."

"Cassie. May uwak ba dito?" I asked out of nowhere making her to look at me curiously.

"Bitch please. Pano magkakauwak sa Maynila? Hello! Maynila to. Bakit meron ba sa inyo?" She flinched her hair na agad namang tumama sa mukha ko. Napahawak na lang ako sa sintido ko ng dahil sa kabaliwan niya. Ang sarap magtanong sa may pagka mataray na sagot. Ang sarap niya chop-chopin ng buhay at ipakain sa mga piranha.

"Ewan ko. May nakita kasi ako kagabi at kanina bago umalis."

"Sabagay may gubat kasi sa inyo. Hmmmm. May naisip ako."

Agad ko naman siyang tiningnan at pilit inaalam ang kalokohang naisip niya.

"Ano naman yun? Pag yan Cassie kung ano na naman ."

"Let's camp! Sa may gubatan niyo!" Masigla niyang saad na nagbigay daan para tingnan kami ng mga 'squatter' kong kaklase. Maya-maya pa ay nagbulungan na sila.

'narinig niyo yun? baka sa gubat siya nakatira malapit sa mga Atkinson?'

'Tapos naawa sa kanya kaya laging isinasabay ni Young Master Lirio?'

'Ay tumpak ka dyan bes.'

Napakamot nalang sa ulo si Cassie ng marinig ang mga bulungan. Grabe maka 'Young Master' sa kapatid ko. Tas sa akin 'Gold-digger', 'third party' ni Papa, tas ngayon baka sabihan na nila akong 'taong-gubat'. Haysss. Kung nakamamatay lang ang talaga ang titig kanina ko pa sila na laser beam.

"Arry." Tawag sa akin ni Cassie habang pilit akong pinalalapit sa kanya. Mukhang may ibubulong tong isang to. "Mukhang madadagdagan na nickname mo. Parang si Dora lang 'taong-gu-ARAY!"

Agad naman niyang hinawakan ang namumula-mula niyang tenga at tinitigan ako ng masama.

At ako pa ang masama ngayon?

"Bagay lang sayo yan. Diyan ka na nga. Pupunta lang ako sa Cafeteria." Akmang aalis na ako ng tingnan ko siya bago tumawa. Ang epic kasi ng mukha. "By the way. May ipapabili ka?"

"Meron. Ibi-HOY BUMALIK KA DITO!" Buti nga sayo. Buti na lang at nasa may pinto na ako ng mga oras na yun. Ang sarap sa pakiramdam ng mayroon kang tapat at loyal na kaibigan. Kaso ngalang medyo baliw.

Pero oks narin yun atleast meron. Yung iba kasi plastic-an lang ang peg.

"Ate. Isa nga pong slice ng cheesecake, isang order po ng carbonara at dalawang coke-in-can. Ay ate pa doble na po pala nung snacks plus dalawa pong mineral water." Agad naman akong nagbayad sa tindera namin ng mailapag niya na ang mga order ko. Dinalawa kona baka kasi tuluyan pang mag-alburoto yung baliw kong kaibigan.

"Young Lady Arry. Mukhang binubully ka parin nila ah. Bakit ba ayaw mo silang isumbong kay Master Fabian?" Nginitian ko nalang si Ateng Tindera at agad na tinahaj ang daan palabas ng cafeteria bitbit ang mga dala ko.

Wala pa ako sa may pinto ng tawagin niya ako. "Young Lady. Yung sukli niyo po."

"Keep the change Ate!" I shout back enough for the whole students here in cafeteria to hear me. Ngumiti nalang ako kay Ateng Tindera bago itulak ang pinto. Pero hindi nakaligtas sa akin ang ilang bulungan nila.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon