Feather
Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sakin paglabas ko ng bahay. Tanging liwanag lamang na nagmumula sa napakalaking buwan ang siyang nagsisilbing ilaw ko para makita ang kabuoang hardin namin. Ewan ko ba pero sa t'wing sasapit ang alas-dyes ng gabi kusa nalang akong nagigising sa kung anong dahilan. Kesa naman pilitin ko ang sarili kong magpaantok sa pagtitig sa kisame ng kwarto ko, lagi nalang akong lumalabas para damhin ang gabi at para narin maramdaman ang antok. Insomnia? Hindi naman siguro since pili lang talaga yung oras na bigla-bigla na lang akong babangon. Hays.
Hawak ang makapal na balabal na nakapulupot sa aking katawan, naupo ako sa nagiisang swing na sinadya naming itinayo para kay Lirio -nakababata kong kapatid. "Bakit ang ganda mo?" Bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang maliwanag at bilugang buwan. "Kayo naman, ang cute niyo." turo ko sa mga kumikinang-kinang na mga bituin sa taas. Siguro kung may nakakakita sa akin, mapapagkamalan nila akong 'shunga' pero wala silang magagawa maganda naman talaga ang buwan at mga stars.
Ewan ko ba pero simula palang nung musmos ako lagi nalang akong namamangha sa liwanag na taglay nitong buwan. Naalala ko pa yung mga panahong nakikipagsagutan ako dahil lang dito.
Flashback
"Arry. Pano ka nakakauwi sa inyo ng mag-isa? Eh wala naman kaming nakikitang bodyguard diyan sa tabi mo tuwing uwian. Tsaka sure akong ginagabi ka. Siguro di ka talaga mayaman no? Umamin ka na kasing mahirap ka. Wag ka ng magsinungaling, liars go to hell nga diba." napatingin naman ako sa biglaang pagtayo ni Allison sa harapan ko habang kumakain ako ng baon ko. Pinilit ko munang lunukin lahat ng nasa bunganga ko bago magsalita. Masama daw kasing magsalita kapag puno yung bibig sabi ni Mama.
"Uhmmm. Hindi naman sa wala akong bodyguard eh mahirap na kami. Sabi kasi ni Mama di naman na daw kailangan yun kasi may tiwala naman sila sa mga tao sa village namin kasi mga trabahador naman sila ni Papa dun sa farm. Tsaka nadyan naman yung moon para gabayan ako. Ang astig kaya Allison yung susundan ka ng moon hanggang sa inyo. Ang galing kaya nun." ngumiti naman ako agad sa mga kaklase kong babae pati kay Allison na kasalukuyang nakasalubong ang kilay.
Magsasalita na dapat siya ng bigla namang sumingit sa usapan si Diana, kaibigan ni Allison "Baliw ka na Arry. Di ka sinusundan ng buwan. Malaki lang talaga yun kaya sa tingin mo sinusundan ka nun." Bahagya pa siyang lumapit ng kaunti para mas lumakas sa pandinig ko ang sinabi niya. "...tsaka di ka naman worth it para ihatid ng buwan noh. Wag assumera Arry." dugtong niya pa habang nakapamaywang.
"Basta hinahatid ako ng buwan."
"Hindi nga sabi eh"
"Hinahatid ako!"
"Hindi nga. Ang kulit mo."
"Basta hinahatid niya ko. Bleeee~"
"Hindi. Ble-"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng biglang dumating si Mrs. Chin, teacher namin sa Math.
End of Flashback
Kamusta na kaya yung mga kaklase ko nung Elementary? Balita ko umalis na sila doon sa probinsya namin nung lumipat na kami pansamantala dito sa lugar ni Papa. Pinapatrabaho nalang ng parents namin yung hacienda namin dun sa katiwala namin. Nakakamiss din pala ang buhay sa probinsya namin? Dun kasi sobrang sariwa ng hangin kaso sobra namang lamig, tapos lahat don fresh pa yung nakakain naming mga pagkain. Eh dito sa syudad puro stocks at laging grocery lahat ng kinakain namin. Buti nalang talaga at 'environmentalist' si Mama at naisipan niyang magpatayo ng garden dito sa mansyon. Yup mansyon. Isa kasi ang pamilya namin sa kinikilalang top companies dito sa Pinas. At syempre yun ang pinaghahandaan ko, balita ko iaakyat nadaw ako nila Mama sa Atkinson Corp. kapag tumuntong nako sa edad na 21. Hindi ko nga lang alam kung dito ba o sa ibang bansa. Hindi ko naman matatanggihan yun kasi bahagi na yun ng sukli ko sa lahat ng paghihirap nila para samin ng bunso kong kapatid. Isa pa handa nako para doon, kaya nga ABM yung strand na kinukuha ko sa ngayon eh.
BINABASA MO ANG
Eclipse
FantasiIsa lamang si Lunarry Atkinson sa mga taong nabiyayaan ng may napaka engrandeng pamumuhay na siyang hinding-hindi niya ipinagsigawan kahit na kanino man. Atkinson. Her family is known for they are the ones who have a power to rule their City as wel...