Eclipse"Anong dapat kong malaman?" I asked them with curiosity all over at my face. Instead of answering my answer directly they just stopped for a moment while intently looked at me with a smile plastered on their faces. Except on the Man sitting prettily on the sofa. Steffan.
What's with the sudden weird commotion?
"I think kailangan mo munang..." Bahagyang napatigil sa pagsasalita si Kuya Felix ng tiningnan niya ako mula sa ulo hanggang sa paa.
Fudge. Nakalimutan kong magpalit muna.Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at walang paalam na umakyat sa taas at dali-daling binuksan ang pinto ng kwarto ko.
Isang loose white t-shirt at isang jogging pants lang suot ko pababa habang bitbit ang polo na ibinalabal sa akin ni Steffan. Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. Yung portal na pinasukan ko galing kay Mia, tapos yung biglang pagdating ni Kuya Felix, Si Cassie na parang nagbigkas ng spell at si Steffan na walang emosyong inalalayan ako.
"Better!" Napalingon ako kay Cassie na halatang katatapos lamang uminom ng tubig dahil sa basong hawak niya. Mukhang lumabas si Steffan dahil wala siya sa kinalulugaran niya kanina. Napatingin naman ako kay Mia at kay Ara na tila may sariling mundo at si Kuya Felix na katabi si Cassie.
"Ipaliwanag niyong lahat. Please naguguluhan na ako sa nangyayari."
Inalalayan ako ni Papa paupo sa tabi niya bago sila magsalita.
"Anak. Makinig kang mabuti..."Magulo. Lalo akong naguluhan sa paliwanag ni Mama kanina. Kanina pang nakaalis sina Cassie, Steffan, at Ara para pumunta sa Mundo ng Mahika. Ang mundong kinabibilangan nila. Hindi ko pa sigurado kung doon nga ba ako nababagay gaya ng sabi nila sa akin kanina. Samantalang si Mia naman ay nagpaiwan muna at sa akin na sasabay bukas patungo sa 'Mundo' nila. Malaking tulog daw kasi ang pagiging 'Portal Walker' sa pupuntahan namin bukas. Nasabi kasi sa akin ni Mama na pupunta kami doon upang masaksihan ang tinatawag nilang 'Eclipse.'
I thought the Eclipse that they are talking about a while ago is the Eclipse I know. But they just said. "Let's just wait for tomorrow."
Gaya ng nakasanayan ay muli akong lumabas ng bahay upang pagmasdan ang natatanging Masterpiece para sa mga mata ko. Ang Buwan. Natatakot akong baka pagdating ko sa Mundo ng Mahika ay ibang kapaligiran na ang bubungad sa akin. Natatakot akong baka wala silang Buwan at iba pa na nasa mundo ng mga tao.
"Can't sleep?" Agad kong naaninaw ang nakatalikod na Mia sa akin. Mukhang naramdaman niya ang pagdating ko. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang garden na itinayo ni Mama habang nakaupo siya sa swing.
"Oo eh. Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Hindi ka rin ba makatulog?" I whispered enough for her to heard my words.
"Uhmmmm nope. My instinct says that I need to go here dahil alam kong dadating ka at siguradong magtatanong ka tungkol sa mga nangyayari. And surprisingly...You're here!" Lumingon siya akin habang nakangiti ng malapad. Madami akong gustong itanong sa totoo lang. Pero hindi ko alam ang uunahin ko.
"Go on. Ask me." She pointed out another swing. Agad naman akong naupo sa tinutukoy niya at agad na tiningnan ang buwan na siya ring ginawa niya.
"Sa tingin mo nabibilang talaga ako sa inyo?" I asked while still looking at the moon above us.
"Yeah. For sure. Besides sa anak ka ng isa sa mga maimpluwensya at mga makapangyarihan na mag-asawa sa Asteria. Unang kita ko palang sayo ng ipadala kami dito ni Kuya Felix dahil sa misyon na bantayan ka. Naramdaman ko nang hindi ka iba sa amin." Oo nga pala isa lang misyon kung bakit ko sila nakilala. Pati ang pagiging magkaibigan namin ni Cassie ay planado na. Iyon ang pinakakinatatakutan kong bagay. Hindi ko alam kung tunay nga ba talaga akong kaibigan sa paningin ni Cassie o isa lamang talaga akong misyon para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Eclipse
FantasyIsa lamang si Lunarry Atkinson sa mga taong nabiyayaan ng may napaka engrandeng pamumuhay na siyang hinding-hindi niya ipinagsigawan kahit na kanino man. Atkinson. Her family is known for they are the ones who have a power to rule their City as wel...