PATRICK's POV =]
Sabi ni DuchessInLove, ako daw muna ang bida sa chapter na 'to. :))
Haaaaaay! Konting kembot na lang!!! Tapos na ang HELLWEEK. Isang test na lang for tomorrow tapos vacay na. =) Di halat--
♬ Boo, please answer your phone!!! Boooooooooooo!!!♬
*tama kayo dyan, recorded yan*
Cassandra calling...
"Hello!"
[KUYA PATRIIIIIIIICK!]
"Bakit?! Anong-- bakit ka sumisigaw???!"
[Punta ka sa bahay bilis!!! Si Ate Maweeee....] Nanginginig yung boses ni Cass. Di ko na siya pinatapos, agad kong kinuha yng susi ng sasakyan. Sht. Ano kayang nangyari? :|
"Anong nangyari? Nasaan si Mawee?" Mukhang tarantang taranta sila sa bahay. Tinuro nila ako sa kwarto ni Mawee. "Mawee?" Di siya sumagot. Hinawakan ko siya. Grabe. Muntik na 'ko mapaso. Binuhat ko agad siya para dalhin sa hospital kaso sabi niya, "P-p-put me down." Di ko alam gagawin ko. Wala kasi sila tita pati si kuya niya. Sila lang ni Cass tsaka yung maid. "Di pwede, boo. Ang taas ng lagnat mo. I'll bring you sa hospital." Bubuhatin ko na sana siya ulit kaso ayaw talaga niya, "Ayoko sa hospital."
"Sige, wait lang. Antayin mo 'ko. Kukuha lang ako ng med tsaka mainit na tubig." Iniwan ko siya saglit. "Cass, pasabi naman sa maid niyo padala ng lukewarm water and biogesic sa taas. Ayaw magpadala ng ate mo sa hospital, eh. Tignan muna natin kung makukuha sa ganun kapag hindi dalhin na talaga natin."
"Sige, kuya. Wait lang." Tapos hinanap na ni Cass yung kasambahay nila. Pumunta ako sa kitchen to cook soup for Boo. Umakyat na ulit ako. Natutulog lang siya. Ano kayang ginawa neto at nilagnat? Stress masyado sa exams? Tsk! "Boo..." Ginising ko siya para makakain ng mainit at pagpawisan. "Kain ka muna.." Sinubuan ko siya. "Ano masakit sayo, boo?" Hinawakan niya lang yung ulo niya. "Buti wala ka nang exam bukas. Pahinga ka na lang ha?" Tapos sumubo ulit siya. Di siya makapagsalita, sobrang sakit nga siguro talaga. Haaay. Kawawa naman yung Mawee ko. :(
"Ayaw ko na." sabi niya bigla nung susubuan ko ulit siya.
"Sir Patrick, eto na po oh." Inabot sakin yung pamunas tsaka yung gamot.
"Thanks po. Oh, boo.. Inom ka muna nito bago ka matulog ulit." Pale na ng color niya. Aish. Ano ba 'to??? -,-
"Boo, dito ka lang sa tabi ko ha?" Sabi niya. So tumabi ako sa kanya. Nakatulog siya sa dibdib ko. Pero pinupunasan ko din yung mukha niya pati leeg para bumaba yung lagnat. Chineck ko body temp niya, 40 degrees. Tapos nung pangalawa 38. Tapos naging 40 naman. Ginising ko si Mawee kasi sobrang nanginginig na siya. "Ayoko dun..."
"Di pwede. Paiba iba temp mo. Mamaya dengue na yan. Tsk. Tara na." Wala na siyang nagawa.
Mga 7pm na nung nadala siya sa room niya sa St. Luke's Medical Center. Confirmed! Dengue nga. Ayun, nadextrose tuloy siya. Good thing, di pa malala. Pinainom na rin siya ng gamot. Tinawagan ko na rin yung barkada. Bukas daw sila magbabantay habang wala ako. Buti na lang nadala ko yung book ko. Jose Rizal pa man din exam ko bukas. Magbabasa muna ako habang binabantayan si Boo.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...
"Boo..." Nagising ako sa tawag ni Maw. Napatingin din ako sa clock. 4am na pala. Nakatulog ako habang nagbabasa kagabi. "Boo? Ano masakit?" sabi ko.
"Nothing. *weak smile* Uwi ka na. May exam ka pa mamaya. Kaya ko naman mag-isa." Pinisil ko yung kamay niya.
"Sure ka??" She nodded. "Sige. Pagaling ka na ha? Bye. Love you! *tsup*"

BINABASA MO ANG
Flavors of Love
Teen FictionAng LOVE parang pagkain. Minsan matamis, minsan mapait. May parang mint flavor na malamig sa bibig, may spicy flavor din naman na maaaring sa iyo'y makapagpainit. In short, may respective tastes bawat recipe. Siyempre, ang success ng isang recipe ay...