Chapter 3 - Steak & Red wine

97 4 2
                                    

Hello! :D Eto na. Nakakastress yung araw ko ngayon. Pero kahit ganun mag-a-update ako. Hihi. So eto na, para wala nang chuchu effect.. Lezz start!

Happyah readaaaang! :>

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

NORMAL POV =]

Nakarating na sila Patrick at Mawee sa resthouse ng Tamayo family. Si Mawee, nagsshower. Ligong ligo sa beach eh. Si Patrick naman, ayun. Nasa may sala. Nanonood ng UAAP Basketball. Go for the Blue Eagles sympre! Kalahi, eh. =)

"Oy! Ikaw na dun. Tapos na 'ko." Napalingon si Patrick at napanganga pagkakita niya kay Mawee.

2 s.

5 s.

8 s.

Buffering si Pat?

"HUY!" Medyo napalundag si Patrick. "Sabi ko tapos na ako maligo. Ikaw na!"

"Ah. Oh, sige. Tatapusin ko lang.. 'to."

Nagtuloy na si Maw sa may pinto papunta ng beach...

PATRICK'S POV =]

Wooooo! Ang init?! Summer pa ba? Bakit ganun? "Daaaaamn! Ang sexy." Napatayo na 'ko sa couch at direcho sa CR na umiiling iling. Haha. Siguro nagtataka kayo kung bakit napaka feel at home ko? Eh, si tita naman na nagsabe na dalin ko si Mawee dito dahil stress na stress na daw sa school. Last week pa daw nagayayaya si Maw, kaso may business trip nga sila ni tito sa NYC kaya ayan. Ako na pinasama. ADVANTAGE naman 'to! :D Kaya ayos lang. Hahaha. Ay nako. Dami kong satsat, makaligo na nga. Init eh.

.

.

.

.

.

Nakita ko si Maw, lumalangoy. Tinititigan ko lang siya. Grabe. Di ako manyakis or pervert or what ha? Bait ko kaya. =) May halo pa nga ako oh.. Pero ang sarap lang talaga sa feeling nung tinititigan mo yung taong mahal mo. :) Yuck! Ang bading. Haha. Pero totoo, di ko alam kung paano ako nainlove ng ganito sa babaeng 'to. Maganda? CHECK. Makulit? CHECK. Mabait? CHECK. Sweet? CHECK. Pa'no ko alam? Wala na kayo dun! Haha. Joke. Eh, kasi. Nakikita ko sila nung ex niyang walang hiya sa LRT 'pag pauwi. Naririnig ko kung pa'no siya magpakasweet. Big time eh! Sobrang inggit nga ako nun, kasi ang swerte swerte ni Ma--

"PATRICK!!!!!!!!!!!" Si Mawee ba yun? Parang di naman siya sumisigaw. "Pat.. Trick.. Tulong!!!!!" Hala! Siya nga. Kumaripas ako ng takbo dun kay Mawee. Binuhat ko siya papunta sa may cottage.

"Ouch. Masakit. ;( " Naiiyak na sabi ni Mawee. Grabe, ano gagawin ko? O-o

"Bakit, Maw? Ano masakit?! Nangyare?!" Natataranta na 'ko. :X

"Napulikat ako. W-wait. Dahan dahan lang. Masakit." Di ako magaling manghilot pero ttry ko para sakanya.

"Wait, akin na. Massage ko." Then hinilot, hilot ko lang yung paa niya. "Masakit pa?"

"Eh, di na masyado. Sige. Okay na. Salamat ah?"

"Sure ka ha?" Haaaaay! Relieved!

"Yep. May lahi ka bang manghihilot?"

"Wala naman. Bakit?"

"Galing mo, eh. Pain reliever! Hehe."

"Sus! Dyan ka lang ha. Kuha lang kita ng towel and water." Giniginaw na kasi siya. Halata sa lips, eh. Paalis na sana ako kaso, hinatak ako. "Bakit?"

"Wag mo 'ko iwan. Sama na 'ko." Napasmile ako dun. Mukhang bata kasi eh. Inalalayan ko na siya hanggang sa loob ng bahay. Kumuha ako ng tubig tska towel.

Flavors of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon