D - 16

25 1 0
                                    

Panahon

Tatlong oras, apat na minuto, labing dalawang segundo,
Oras ngayon sa aking relo.
Tatlong oras, apat na minuto, labing dalawang segundo,
Yan, ganyan katagal akong naghintay sayo.

Sa dating tagpuan,
Nakaupo sa harap ng mesa at bakanteng upuan.
Tumatakbo ang oras,
Bumilis ang tibok ng puso, at sa wakas.
Dumating kana,
Pumasok sa silid, palinga linga.
Nakangiti, nakatitig sayo
Dahan dahan kang humakbang, nag ayos ako.

Napatayo ako,
Nakakagulat, ako'y nilagpasan mo.
Papunta sa isang bakanteng upuan sa unahan,
Nakangiti ka, hawak ang bulaklak sa likuran.
Hindi para sakin ang iyong pagdating,
Hindi na ako ang nasa iyong piling.

Minahal ko ang maling tao sa tamang panahon.
Ngayon, ang damdamin ko'y ayaw huminahon.
Mahirap kapag sa inyong dating tagpuan,
Nagkikita ang iyong kasintahan at matalik na kaibigan.

Sila na.
Sila na nga.
Tatlong oras, apat na minuto, labing dalawang segundo,
At ngayon, tuluyang nagunaw ang aking mundo.

DesultoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon