Dear Ex-Crush,
Kamusta ka na?. . . Natatandaan mo yung panahon na patay na patay ako sa'yo? Nung dinededma mo pa'ko. Hindi mo pa'ko kinakausap at lagi mo pa'kong sinusungitan dahil alam mong may crush ako sa'yo.
Naalala mo nung tinatadtad kita ng text at gm para lang mapansin mo'ko? Nasayang load ko sa'yo dahil ilang araw ko inintay reply mo, pero wala! Kung ano anong papansin at ritwal ginawa ko para makita mo lang ako. Araw araw ako nagpapa-cute, nagpa-impress, nagpa-ganda. . . kulang nalang ata tumambling ako sa harapan mo na may kasamang banda para masabi kong, nagawa ko na lahat para mapukaw pansin mo. Feel ko nag-audition na'ko sa PGT para ipakita lahat ng talento na meron ako sa'yo.
Kinaibigan ko na bestfriend mo para lang mapalapit lalo sa'yo! Pero ano? 'Pag magkakasama tayo, halos mapanis na laway ko kakaintay na kausapin mo'ko. Nakipagpalit pa'ko ng upuan sa kanya nung field trip para makatabi ka. Paro kahit na two or three inches lang pagiltan natin, hindi mo parin ako kinausap. Pero okay lang, narinig naman kitang kumanta nun eh. Parang lullubye boses mo habang pinapakinggan ko. Nakatulog nga ako dahil sa ganda ng boses mo, Pero pag-gising ko, yung mukha ko naka-subsob na at tumutulo na laway ko sa salamin ng bus. Grabe ka, kahit man lang ba ilagay ulo ko sa balikat mo, di mo nagawa? Sabagay, pang-movies at wattpad story lang 'yun.
Natandaan mo rin ba nung iniintay pa kitang makasabay sa jeep? Kasi ganun kita ka-crush eh! Mahawakan lang kamay mo 'pag nag-abot ka ng bayad, masaya na'ko. Halos di ko nga hugasan kamay ko sa sobrang saya ko eh! Pero joke lang 'yun, ang un-hygienic naman nun.
Hay, ang lakas ko pala maka-mental patient sa mga pinag-gagawa ko noon. Pero well, that's stupid little me. I was so young ang naive pa nun. I've changed now. At pinagtatagpo pa ata tayo ulit ng tadhana ngayon. . .
So Dear Ex-Crush. . . .
Narinig kong may crush ka na rin kay someone ngayon ah? Sana maranasan mo rin mga naranasan ko sa'yo. HAHAHA. Bitter much ano? Pero joke lang 'yun syempre. Sa dami ng taon na naging ka-schoolmate kita. Ngayon classmate na kita. Wow, nag-level up. Mag-level up pa kaya lalo? Hahahaha. Well, let's see nalang ah?
Pero sa ngayon, bye muna. Hope to see you sa pasukan. . . Ex-crush.
Love,
Ang dating patay na patay sa'yo . . .
Marie.
__________________________________________________________________________
A/N: Continue? (:

BINABASA MO ANG
DEAR EX-CRUSH
HumorDEAR Ex-Crush. . . . . . . R.I.P. sa'yo na patay na patay na sa'kin ngayon.(;