Dear Ex-Crush 4 #THROWBACK

59 2 1
                                    

DEAR EX-CRUSH 4 #THROWBACK

>>Marie's POV

 (Three Years ago)

     "Good Morning Marie!" Bati sa'kin ni Barbie pagpasok ko sa classroom. Si Barbie nga pala, isa sa mga kinikilala kong 'close friends' dito sa new school ko. Naglakad ako papunta sa upuan ko na nasa tabi niya.

      "Good Morning Barbs. Nasaan sina Aileen at Rei?" Tanong ko habang nilalapag ang bag ko sa upuan katabi nung kanya. Nagkibit balikat lang siya at nagsimulang magbasa ng manga. Ako naman, tinanggal ko ang pigtails na tinali sa'kin ni mommy kaninang umaga.  Ughh. Si Mommy talaga, feeling niya lagi nalang akong bata na inaalagaan. Nakakahiya din 'no! Freshmen na'ko! Hindi na'ko elementary kid na dapat laging naka-pigtails para cute. Kadiri na 'yun para sa edad namin.

     Habang nagtatanggal ng tali, narinig ko ang malakas na kalabog ng pintuan ng classroom namin. . .

     "Guuyyys!" Sigaw nang isang babae na sabukot ang buhok sa mukha. Aakalain mo ay si Sisang baliw lang ang peg eh!

     "Aileen, you're not supposed to do that. Bahala ka, mapapagalitan ka ni Ma'am Castellar." sabi ko habang sinusuklayan na ang buhok ko. Mabilis na lumapit samin si Aileen. Mabigat niyang nilapag ang mga gamit niya sa upuan katabi nung akin, kaya naman nagulat si Barbie at napalingon dito kay Aileen.

     "Woah, Leen.  Saan 'yung bagyo?" Sarcastic niyang tanong kay Ailen.

     "Guys! Guys! Alam niyo na ba?" Excited niyang tanong habang hinahawi patalikod yun buhok niya, not minding Barb's question.

     "Na. . . ?" Sabay naming tanong ni Barbs.

     "'Di niyo pa alam!?" Gulat niyang tanong sa'min.

     "Eh kung pinaalam mo na, sana alam na namin." Sagot ko. Kasi naman! Tatanungin kaya namin kung alam na namin?

     "May new student daw!" Sabik niyang sabi. Napa-tilt lang ako ng ulo. New student?  Sa mid ng first quarter? Eh halos isang buwan  na simula nung magsimula ang klase ah. Bakit may papasok pang new student? Pwede ba yun?

     "Sino?" Usisa ko. Ka-section kaya namin?

    "Aba. malay ko!"  Sabi niya habang kumakalma na sa upuan niya. Bruhang 'to talaga oh! Chi-chika nalang, kulag kulang pa!

     "Ah. . ." Sabi ni Barbs habang pumapangalumbaba, "Siguro si Matthew." 

     Matthew?

     "Sino 'yun?"  Sabay naming tanong ni Aileen.

     "Hindi niyo kilala?" Tanong  niya with an innocent face.

     "Uhm. . . Parang bagong studyante lang po kami dito. Ikaw dyan ang dati pang nag-aaral dito eh. Tapos tatanungin mo kami kung kilala namin?" Sarcastic na sabi ni Aileen. Bruha talaga 'to, ang moody! Hahahaha.

     "Si Matthew. Bestfriend ni Henry, mula sa kabilang section? Siya lang naman lagi ang late na pumapasok eh."

     "Normally mid-quarter siya pumapasok?" Tanong ko.

     "Yes. Ganun naman lagi 'yun simula nung maging ka-batch namin siya nung grade 5 eh."

     "Bakit? Saang school ba siya galing?" Tanong naman ni Aileen this time.

     "Dito lang siya simula nung mag-kinder siya. Nag-skip siya ng isang taon dahil umalis sila ng family niya sa America nung magg-grade 5 na dapat siya. Kaya nasama siya sa batch namin."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEAR EX-CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon