Dear Ex-Crush 2

135 7 1
                                    

DEAR EX-CRUSH 2: ME AND MY GIRLFRIEND

>>Marie's POV

Dati pinangarap kong makasama ka, Alam mo ba 'yun? Pinangarap ko na maging tayo. Halos araw araw ko pinagdasal sa Diyos na sana mapansin mo man lang ako kahit konti. Ilang araw at gabi ko inasahan ang 11:11 na sana ma-love at first sight ka. Bawat falling star na makikita ko, hinihilingan ko para lang makasama ka. Lahat nalang na pwwdeng paghilingan sinubukan ko! Yung wish bone, yung wishing well, pati lahat ng kandila nung birthday ko ginamit ko para lang sa'yo!. . .

Pero hanggang ngayon hindi parin natutupad ang kagustuhan kong iyon. Kasi hanggang ngayon, hindi man lang tayo pinagtatagpo ng tadhana. . .

Pero sana . . . Sana lang.

Mapansin mo'ko crush.

Natawa ako bigla habang binabasa ko ang message na 'yun mula sa drafts ko. Kanina pa'ko nagbabasa ng mga drafts sa phone ko dati na ngayon ko lang ulit nakita. Sobrang tawang tawa ako sa katangahan ko nung bata pa'ko. Hahahahaha!

Habang enjoy na enjoy ko ang garagal na paghalakhak, biglang tumilapon ulo ko sa lakas ng hampas ng kapatid ko.

"ARAAAY!" angal ko habang nakahawak sa ulo ko, "Sino nagsabing pwede mo batukan ate mo ng ganun ha!?"

"Para ka kasing sira. Tawa ka ng tawa dyan, kanina pa kita tinatawag dahil may bisita ka sa baba. Si ate Aileen, gagawa daw kayong assignment." sabi ni Marco habang nakatutok parin mata niya sa cellphone. Naku, may katext nanaman 'tong girlalu. Haaay . . . Binata na kapatid ko. Huhuhu.

"Paakyatin mo. Dito kami sa kuwarto." Masaya kong sabi habang patuloy na nagbabasa ng drafts. Masunurin namang bumaba ang kapatid ko at tinawag si Aileen.

"Bruha!" Bati sa'kin ni Aileen pagpasok sa kuwarto ko.
"Alien!" Bati ko naman pabalik. Ang cute ng tawagan namin 'no? Hahaha.

"Nakakatakot bahay niyo 'pag tumatawa ka bru. Feel ko may mangkukulam dito." Sabi niya sabay yakap sa sarili niya. Napatigil siya sa harap ng kama ko, "Uy. Yan yung phone mo nung freshmen pa tayo di'ba? Kala ko ba nawala mo 'yan sa jeep."

"'Yun din akala ko eh. Hahahaha. Nasa ilalim lang pala ng kama ko all these years. Ngayon ko lang nakita." sabi ko habang natatawa pa sa kagagahan ko.

"Meaning to say, sa loob ng apat na taon, ngayon mo lang nilinis ilalim ng kama mo?" tanong niya with a derp face. I just smiled at her innocently habang inikutan niya lang ako ng mata. Malinis kasi sa surroundings niya 'yang si Aileen. Ayaw niyang madumi. Ako naman . . .

Eh . . . Sino ba naman kasing pupunta sa kuwarto ko at titignan ilalim ng kama ko di'ba?

Tumabi siya sa'kin sa kama at nakibasa sa dating text messages ko, specifically kay Ex-crush, "Wait. Sino si Black Superman?" She asked habang kumukulubot mukha niya.

"Si Matthew." Sabi ko, as if wala lang.
"Matthew? As in Gomez? As in yung crush mong patay na patay ka noon?" Natatawa niyang sabi habang patuloy na nagbabasa sa phone ko. Oo na, alam kong patay na patay ako sa kanya noon. Kailanga pa ba talaga ipamukha sa'kin? . . . "HAHAHAHAHA! BAKIT BLACK SUPERMAN!?"

"Eh kasi 'yung first time na nakita ko siya, naka-superman T-shirt siya at hindi naman maputi si Matthew eh. So I called him black superman." Nahihiya kong pag-explain sa kanya.

"Ang racist mo. Hindi naman maitim si Matthew ah."
"I know. But ang pangit naman kung Brown superman di'ba? Hahahaha."
"Hindi natin 'yun naging kaklase. Hanggang ngayon. Buti pa si Henry, kaklase na natin." sabi niya habang humihiga sa kama ko. Si Henry Espinosa yung bestfriend ni Matthew since elementary palang sila. Inseperable 'yung dalawang 'yun mula pa nung Freshmen kami. Lagi silang magkaklase. Sabagay, kami naman ni Aileen inseperable din.

DEAR EX-CRUSHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon