Prologue

2 0 0
                                    

"Bakit kailangan kong lumipat ng school ma?"

She wiped her tears as she walked towards me. "Anak listen to me.." she held my hands.."your dad and I made a decision.."

"Anong desisyon?" kinabahan kong tanong.

"We decided to separate ways.. You see hindi na kami masaya sa isa't-isa.. We thought this is the best way for us.."

"And what about me? Hindi niyo manlang ba ako naisip nang magdesisyon kayong maghiwalay..?!"

"I'm sorry..." i brushed her hands and ran outside. Matagal nang away-bati ang parents ko but I didn't think that this time would come. Napaka'wrong timing naman nito. Kung kelan kailangan ko ng magulang saka naman sila naghiwalay. Life sucks!

Hindi ko alam kung saan ako napadpad basta't tumakbo nalang ako ng tumakbo. Ang liwanag pa naman ng paligid dahil malapit nang magpasko. Sari-saring christmas carol narin ang naririnig ko. It was supposed to be a happy event but it turned out that this will be my coldest and saddest christmas.

Nang mapagod ako ay tumigil na ako. Saktong sa plaza pa talaga ako napadpad. Dito nakadisplay ang giant christmas tree na napapalamutian ng iba't-ibang kulay ng ilaw. I catch my breath as I wipe the sweat from my face. Maraming tao sa plaza. Kabataan tulad ko, mga bata, even families are here. I sneered, parang nanunukso ah.

Minabuti ko nalang umalis at nagpunta sa malapit na convenience store. I just bought a cold drink to ease my disappointment.

"MJ?"

Napatingin ako sa cashier. "Kuya Andres?"

"Uyy..long time no see ah."

We exchange pleasantries. Dahil maraming customers ay hinintay ko nalang na matapos ang shift niya. Not long after ay lumabas na siya.

"Kumusta ka?"

I shrugged.."Broken hearted.."

"Nagbreak kayo ng girlfriend mo?!"

"Wala akong girlfriend.."

Tawanan ba naman ako..tsk.."Eh bakit nga ba?"

I sighed and began to share my story. I began to be friends with Kuya Andres dahil lagi akong nagpupunta dito sa convenience store kung saan siya nagpapart time. Madalas kasi niya akong kausapin kaya napalapit na ang loob ko sa kanya.

"I don't know..ayokong umuwi.." i said while playing with my drinks.

"Alam kong masakit para sayo, pero hindi ka dapat tumakbo. Iniwan mo tuloy yung mama mo na umiiyak. This time, ikaw ang higit na kailangan niya..kaya umuwi kana. You should be with her, tell her that you'll stay with her. Atleast manlang maibsan yung lungkot niya."

Napaisip ako. Maybe he's right..but this time kasi I don't feel like comforting her, it's me who needs comfort.

"Sige na.."

Napatingin ako kay Kuya Andres. He gave me a smile and told me it's going to be okay. Tumango ako.."Okay.."

Nagpaalam ako sa kanya at dahan-dahang naglakad pauwi. Gusto kong umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko. Gusto kong puntahan si papa pero hindi ko magawa, ni hindi ko nga alam kung nasaan siya. Simula kasi nang umalis siya nung isang araw hindi na bumalik. Yun pala, maghihiwalay na sila ni mama. I grew up admiring my parents, kaya sobra akong nagulat nang magsimula silang mag-away. I thought simpleng away lang,yun pala may mas malala pa.

Minutes later ay nakarating na ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay nakapatay ang mga ilaw, sa may sala lang ang bukas. There I saw my mom...wasted..

Sa sandaling pag-alis ko, ilang bote ng beer ang nainom niya. I averted my gaze..yung mga luhang ayaw pumatak kanina, ngayon ay nag-uunahan nang tumulo. I slowly walked towards her. Nakasubsob siya sa mesa at nakaupo sa floor. The television was opened and what I saw was so heartbreaking.

It was the video taken during their wedding. My mom looked beautiful and my dad was so happy. Pinulot ko ang remote at agad na pinatay ito. Pagkatapos ay nilinisan ko ang mga kalat ni mama habang pinupunasan ang mga luha ko. I looked pathetic. I tried to wake up my mom pero sa sobrang lasing at kaiiyak na siguro kaya hindi siya magising. Pinahiga ko nalang siya sa sofa and put blanket on her.

I looked at her. "Sorry ma.." garalgal na ang boses ko. Ano bang nangyari sa amin? We were once a happy family pero ngayon ay naglaho na yun na parang bula.

-

Lumipas ang mga araw, buwan at taon. Nasa huling taon na ako ng highschool, I barely survive last year dahil sa nangyari. Nagawa kong matapos ang taon na parang walang nangyari.

It was friday morning when we were having breakfast.

"Nak.. I was promoted at nadestino ako sa Central, so.. I think you need to transfer school." my mom carefully said. Since what happened a year ago, nagpakabusy si mama sa trabaho. She made herself busy and I was thankful for that..atleast nakakalimot siya.

"Saang school po?"

"Sa Southville..."

Gen ZWhere stories live. Discover now