Three: Welcome Party

1 0 0
                                    

Youth is not a time of life; it is a state of mind; it is not a matter of rosy cheeks, red  lips, and supple knees; it is a matter of the will, quality of the imagination, a vigor of the emotions; it is the freshness of the deep springs of life.
-  Samuel Ullman

Kasalukuyan akong naglilinis dito sa classroom. Nakatoka kasi na ako ang maglinis ngayong araw kasama si Yuki at dalawa pa naming kaklase. Yes, pumasok after her two-day absence. Mabuti nalang hindi siya nakikick'out.

"MJ, paki'erase naman yung nasa blackboard oh." hinagis niya sakin yung eraser at sumunod naman ako.

Pagkatapos ko ay bumalik ako sa pagpunas sa mga desk. Pagtingin ko kay Yuki ay nakaupo lang siya sa sulok at..nakapikit habang nakahalukipkip. Napailing ako, hindi ba siya natutulog sa gabi kaya laging inaantok?

I was about to wake her up nang may bagay na tumama sa kanya. It's the wiper. Napamulagat ako..

"Wake up Everdeen! Maglinis ka dito." it was our classmate. Siya yung kausap ni Joaquin kahapon.

Akala ko papatol siya pero huminga lang siya ng malalim at nagbukas ng mata saka niya pinulot ang wiper na nasa floor. She lazily wipe the tables and chairs. I sighed.

"Don't you dare go in that place again."

Yun ang pambungad na sinabi niya sakin kaninang umaga. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong sa racing arena ang tinutukoy niya. I swear hindi na talaga pupunta dun, its not a place for me to go. Pinagsisisihan ko tuloy na sinundan ko siya kahapon.

Pagkatapos naming maglinis ay nagkanya-kanya na kaming alis. Gusto ko pa sana siyang kausapin pero mabilis siyang umalis. Hayaan na nga lang.

Nagpunta muna ako sa dance room dahil magsisimula daw ngayon ang lesson namin. Pagkarating ko doon ay nandun na si Jan at ang mga kasama namin. Sampu kami dito at halos lahat lalaki. Dalawa lang ang babae including Jan.

Siya ang nag'lead samin. Masasabi kong born talented talaga siya. She was responsible for the choreography of our dance. Sa susunod na buwan kasi ay founding anniversary ng Southville at magmemerge ang highschool at college department. Our team will be performing on the said event.

Dalawang oras bago natapos ang practice. Hindi naman kasi mahirap sumunod dahil sanay na kami sa pagsayaw. I've been into dancing since I was five. Tumigil lang ako last year dahil nga sa nangyari sa parents ko.

I thought makakauwi na ako dahil mag-aalas nuebe na. But Jan invited me to Catharsis, may konting salu-salo daw dahil birthday ng kuya niya. She even said all of our classmates are there. At siyanga pala, lahat ng member ng dance troupe ay galing sa klase namin.

"Sumunod ka nalang." she said at ako naman ay nagpunta sa locker para kunin yung damit ko at magpalit. Our school is still open until ten kaya marami paring estudyante ang nandito.

Nakalabas na ako sa school nang may biglang pumiring sakin sa may likuran ko. I tried resisting pero nagawa nilang talian yung dalawang kamay ko. They were two kaya wala akong nagawa nang hatakin nila ako somewhere.

"Ano ba?!!" i was shouting but neither of them released me. Medyo malayo na ang nalakaran namin.

"Dahan-dahan baka madapa." i heard someone say that. Napakunot ang noo ko, bakit parang narinig ko na yung boses na yun?

Maya-maya pa ay pababa na ang dinadaanan namin. "Where are you taking me?!"

Hindi naman ako nakaramdam ng takot at ewan ko rin kung bakit. Binitawan na nila ako at tinanggal ang mga piring sa mata ko pati narin ang gapos ko sa kamay. A sudden bright light welcomed my sight. Napapikit ako sa tindi ng liwanag. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng putok.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gen ZWhere stories live. Discover now