Yeschaei POV
Matapos yung insidenteng yun si Sweet masyadong naging protective siya na parang mamatay na ako, hindi naman ako naiinis kasi ang sweet lang hahaha. Si Parker hindi ko nakita matapos yun, nahiya ata sa pag-kiss namin na ang totoo binigyan lang ako ng hangin para makahinga sabi ni Sweet.
( ⚈̥̥̥̥̥́⌢⚈̥̥̥̥̥̀)
Lagi kasi yang panira si Sweet sa mga kilig moments ko eh, killjoy wala kasing lovelife.
"Sweet may sasabihin ako sayo."
"Ano naman yan? Siguraduhin mong may kwenta yan." Naalala ko kasi si Jeexs na kliyente ko irereto ko lang para 'di siya killjoy.
"May kaibigan ako, si Jeexs gwapo bagay kayo. Irereto ko sayo para may lablayp ka na." Wika ko at ngumiti kaso binatukan lang ako.
"Ayoko, gusto ko kontrabida ako sa kilig moments mo." Aniya at tumawa, napasimangot lang ako.
ರ╭╮ರ
"Bad Sweet, sinasabi ko sayo magiging isang bida ka sa sarili mong kwento at ako ang magiging dyosa mong supporting bff mo, pwede na ring kontrabida." Tumawa lang kaming dalawa.
*********
Nakarecover naman agad ako kaya pwede na ulit akong maggala, kasama ko si Sweet ngayon babantayan daw ako."Malaki na ako Sweet."
"Hindi kailangan may kasama ka mamaya may kalampahan na namang mangyari." Aniya, nakarating kami sa cottage at naabutan kong naandoon si Parker. Patakbo akong lumapit sakanya, nakatalikod siya kaya di niya ako nakita.
"Parker!!"
"Ay anak ka nang halik! Ano ba yan Chaei nakakagulat ka naman!" Aniya sa akin tumawa lang ako sakanya.
"Ikaw ha inaalala mo pa yung kiss natin." Pang-aasar ko sa kanya, nabigla ako nang namula siya kaya mas lalong lumakas yung tawa ko na parang kilig na rin.
(。・//ε//・。)
"Wag mo nga akong tawanan!" Inis na sabi niya, nasa tabi ko na si Sweet at nakatingin sa amin.
"Tae, kadiri kayo. But sabihan niyo ako pag kayo na ah!" Ani Sweet.
"Oo naman yes, Sweet." Ngiti ngiti ako nang humarap ako kay Parker kaso bigla akong hinampas.
"Aray naman! Bakit ka ba nanghahampas? Lalaki ka pa rin uy."
"Ikaw kasi ih."
"Oh ano namang ginawa ko?"
"Wala iwanan na nga kita dyan, bwiset to." At iniwanan niya ako.
"Walkout ulit?" Dahil nga wala na akong kasama naglakad lakad ako, nakarating ako sa dagat sa baybay lang naman ako.
Naabutan ko ang paglubog ng araw at sayang hindi ko dala ang gamit ko para ipinta yung ganda ng paglubog ng araw. Umupo ako sa buhangin at pumikit, tahimik ang sarap tumambay para mawala yung mga problema.
"Look who's here? Bakit buhay ka pa?" May kontrabida na sa halip ay hindi ko siya pinansin kahit na gusto ko siyang sakalin sa galit ko, muntik na akong mamatay dahil sa kanya.
"Tigilan mo ako ah, gusto ko nang katahimikan." Tumayo ako at akmang aalis ng pigilan niya ako.
"Ang duwag mo pala, bakit hindi mo ako kayang harapin?"
"Hindi ako duwag."
"Duwag ka, kasi gusto mo nang katahimikan ako kasi ayaw ko, gusto ko gulo." Nakangising sabi niya. Tiningnan ko siya nang sobrang samang tingin dahil kunti nalang pangigilan ko na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/159744869-288-k997574.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Inlove with a Gay
Random"Are you crazy?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "No I'm not crazy. Nagmamahal lang ako." nakangiti kong saad. "But I'm a gay. Why me madaming gwapong lalaki dyan" natatawang sabi niya. "I do anything para mafall ka sakin. Madaya kasi ako lang nahul...