Kabanata 1

493 10 0
                                    

Yeschaei POV

"Yes. Uy bakit ka tulala dyan." Napalingon ako kay Sweet nang tawagin niya ako.

"May iniisip lang ako." Sabi ko dito. Pauwi na ngayon ang tatay ko at malamang sa alamang ay mamaltratuhin na naman niya ako.

"Lalim naman akala ko ay maiililibre mo ako, yun pala ay titigan lang kita hanggang sa malusaw ka." Aniya.

"Kasi naman yung tatay ko uuwi sa bahay ko, alam mo naman diba pag magkasama kami?" Sabi ko sakanya.

"What? Uuwi tatay mo?" Gulat niyang sabi.

Alam niya kung ano ang status ko sa tatay ko kaya hindi na ako magtataka na ganyan siya mag react.

"Shh ang ingay at lakas ng boses mo."

"Ay sorry fren pero legit ba yan? Naku kailangan mo makahanap nang matutuluyan." Wika niya. Napabuntong hininga ako.

Tama siya kailangan may matuluyan ako dahil hindi ko maatim na makasama ang tatay ko, tsaka baka pag magkasama pa kami sa iisang bahay ay hindi ko kayanin.

"Yun ng iniisip ko eh. Kung sainyo nalang kaya." Sabi ko dito.

"Naku Yes, nandoon pa family ko sa bahay next year pa alis nila." Oo nga pala puno na guest room nila. Saan naman ako hahanap nang matutuluyan?

"Ubos na ba yung pinapadala mo at pati 'yang tatay mo ay uuwi pa sayo." Sabi ni Sweet. Halos araw araw na akong nagpapadala sakanya nang pera hindi pa ba sapat yun sakanya, sa iba kasi ginagastos ang mga pinapadala ko.

"Halos araw araw na sweet feeling ko nga ay wala nang natitira saakin, mabuti na lang at may side line ako at hindi niya alam yun."

"Oo nga hindi niya alam na isa kang writer, Architect slash Writer pa." Aniya.

" 'Wag kang maingay sabi." Sabi ko dito.

"Whatever mamaya na natin problemahin yang matutuluyan mo ilibre mo muna ako, para habang nililibre mo ako ay makapag-isip ako." Sabi niya saakin at hila palabas sa isang fast food chain.

Minsan napapaisip ako wala ba 'tong pera si Sweet at laging nagpapalibre saakin. Isa naman siyang bussiness woman at malapit na siyang maging CEO sa kompanya nang mommy niya, tapos mag papalibre pa.

------------
Umuwi na agad kami nang nagtext saakin yung tatay ko na aalis na siya sa bahay at papunta na siya dito.

Pagkauwi ko ay agad ko nang hinanda ang mga gamit ko para sa lipat bahay. May kakilala kasi si Sweet na may isa pang kwarto, magbabayad talaga ako para lang makatira lang doon dahil ayaw kong kasama ang tatay ko. Agad kong tinawagan si Sweet ng matapos ako.

"Sweet on the way na ako sa inyo, patago lang ng mga bagahe ko at gamit ko." Sabi ko sa kabilang linya.

"Sige baba na ako antayin kita dito sa harap ng bahay." Sagot niya at agad na ibinaba ang tawag.

Nakarating din agad ako sa bahay ni Sweet kaya bumaba ako at agad na kinuha ang mga gamit at bagahe ko.

" 'Yan lang ba lahat wala na compartment?" Tanong ni Sweet pero umiling lang ako, mga importanteng gamit lang dala ko tsaka hindi ko kailangan mag hakot ng bahay.

"Wala na, yan lang dala ko."

"Eh yung mga papeles?" Tanong niya ulit.

"Lahat nang importante ay dala ko yung walang kwenta ay naiwan doon."

"Mabuti naman, tara ipasok na natin 'an." Sabi ni Sweet at nagbuhat na.

-----------
*ring ring* *ring ring*

Fall Inlove with a GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon