Worth of time(paglalayas)

17 3 0
                                    

minsan sa hindi inaasahang pagkakataon ..hindi na talaga natiis ni jesie ang hipag niyang si gema..

kaya pinilit niya si gerald na umalis nalang sa bahay na iyon,pero hindi niya sinabi ang dahilan para iwas narin sa gulo dahil ayaw ni jesie na mag away silang magkapatid..

pero hindi pumayag si gerald doon...nagmakaawa si jesie,iniyakan,at pinagdabugan niya si gerald..

halus iuntog na ni jesie ang ulo nya sa pader para lang mapapayag si gerald..pero wala iyun ipekto..sadyang nagbago na si gerald na para bang walang paki alam ito kay jesie..hanggang pinagbantaan na nito si gerald na kapag hindi sya pumayag ay lalayas sya at makikipag hiwalay ito sakanya..

tinawanan lang ito ni gerald sapakat ilan beses na nya itong sinabi,pero hindi naman nya ito ginagawa..kaya hindi naniniwala si gerald sa tuwing pinagbabantaan sya ni jesie nang ganoon..

isang gabi na nag away muli silang dalawa ay muling nagbanta si jesie na lalayas na sya dahil hindi na nya kaya..

na tinawanan naman ni gerald..

Pagkaumagahan nagising si gerald at wala si jesie sa tabi niya..

pinawalang bahala nya lang ito,at saka bumangon..hinanap niya ito sa sala,at saang suluk nang bahay pero hindi nya ito makita..dali dali syang pumunta sa kwarto at laking gulat nya na wala na ang mga damit ni jesie sa drawer nila..duon lang nya napagtanto na lumayas na si jesie at tinutoo ang pagbabanta nito.. at may napansin siyang papel na may nakasulat ,,at binasa niya ito

''SANA MAGING MASAYA KANA NGAYONG WALA NAKO,HUWAG MU NA AKONG HANAPIN PA,MAY PERA NAMAN AKO EH NAKAPAG IPON AKO KADA BIGAY MU SAKIN NANG SINUSWELDO MO ,PASENSIYA KANA DAHIL WALA AKONG KWENTA,KAYA MAS MAGANDA SIGURO NA MAGHIWALAY NALANG TAYO!AYOKO NA!NASASAKTAN AKO SA TUWING BINABALIWALA MOKO..SAKA PARA MAGING MASAYA NADIN ANG ATE MO SA PAGKAWALA KO..MAHAL NA MAHAL KITA''

JESIE'

napatigil ang mundo ni gerald sa nabasa niya,,at takang taka kung bakit pati ang ati nya ay kasali sa sulat nito at kung bakit magiging masaya ito sa pagkawala nya..di mapakali si gerald..at sising sisi sa ginawa nya..naisipan niyang tawagan si jesie sa cellphone nito pero iniwan niya ito sa kanilang bahay na lalung nagpaalala sakanya kay jesie...

sinabi nya ito kagad sa magulang nya at nagulat ang mga ito..

at si gema naman ay tuwang tuwa sa nabalitaan...

hinanap nila si jesie pero sadyang hindi talaga magpapakita ang taong ayaw magpakita..kaya tumigil na silang naghanap pwera lang kang gerald..

lumipas ang isang taon wala parin itong balita kay jesie at hindi parin ito nahahanap...

pero lingid sa kaalaman nang lahat si jesie ay nasa tabi tabi lang at sumisilip parin kay gerald..

mahal na mahal parin ni jesie si gerald kaya pag namimis nya ito..nag iiba ito nang anyo para di ito makilala nang mga may makakakita sakanya at sinisilip si gerald..

hanggang isang araw ..may napabalitang babaeng nagahasa malapit sa bayan nila gerald..

nabalitaan nila ito at pinuntahan sa takot na baka si jesie ang ginahasa at pinatay.. hindi sumama si gerald sa pangamba at ang pamilya nya at pamilya ni jesie lang pumunta duon.. at laking gulat nila na hindi na makilala ang bangkay dahil pinaglaruan ang mukha nito at katawan pati ang buhok nito ay ginupit..at ang tanging damit nalamang nito ang paraan nang pagkakakilanlan nang babae..

napahagulgol silang lahat sa nakita..dahil katulad na katulad nang damit ni jesie ang nakatakip dito pati ang shorts nito na bigay nang kanyang mama..at may nakita din ang mga pulis nang isang chinelas na alam nilang binigay ni gerald sakanya..hindi na sila nagdalawang isip at kinuha ang bangkay para iburul sa bahay nila gerald..

pagkadating palang sa gate ay takang taka si gerald dahil may ibinababa silang kabaong papunta sa bahay nila..

ma?pa?sinu pu yang nasa kabaong?saka bat kayu umiiyak(tanung ni gerald na may halung takot at pagtataka)

si si..si jee sie(nauutal na sagut nang mama ni jesie at humagulgol sa pag iyak)

anu pong si jesie?hindi kupu kayo maintindihan e?kasama niyo na puba siya?asan pu sya?gusto ko po sya makita at gusto kopo humingi nang tawad sakanya(sambit ni gerald na naiiyak nadin at parang naiintindihan na ang nangyayari pero hindi ito sigurado)

dina umimik ang magulang ni jesie at iniabot ng magulang ni gerald ang damit ,short at isa sa isang pares nang chinelas..

teka ma?kay jesie tong mga to ha?saka itong chinelas?bigay ko sakanya to diba?nasan yun isa pang pares nito,saka teka?bat nasa inyo tong mga to(sambit ni gerald at napansin ang masangsang na amoy nang mga ito na lalu pang nagpa intindi sakanya)

ma?huwag niyong sabihing?(dina tinuloy ni gerald ang tanung at tumango nalang ang mama at papa nya)

hindi! hindi totoo yan!hindi patay si jesie!buhay sya!alam ko buhay sya huhuhuhu(sigaw ni gerald at dali daling pumunta sa kabaong at pagtatangkain buksan ito para makita kung si jesie nga iyon pero pinigilan ito nang mama at papa ni jesie dahil hindi na nya ito makikilala dahil pinaglaruan nang mga rapist ang mukha nito)

pero hindi sya napigilan at binuksan nya parin ito..at laking gulat sa nakita nya na talagang masalimuot ang ginawa nang mga lalaking nagrape sakanya..pero hindi parin siya naniwala na sya yung si jesie at bigla syang napatingin sa mga nakasuot na hikaw sakanya na lalung nagpahagulgol sa pag iyak..nakita niya ang hikaw na binigay nya nung nakaraang taon kay jesie..marahil ay si jesie lang ang nangulit na bilhin nya ito para sakanya at napilitan lang niya itong bilhin,at naalala nya bigla ang sinabi nito sakanya''thank you mahal!,promise iingatan ko to..at saka pag nalulungkot ako isusuot ko ang mga ito para kahit wala ka sa tabi ko ,magkasama parin tayo'', at napahagulgol nang iyak si gerald at di alam ang gagawin sa sobrang pag sisisi...at sumigaw

,,,''jesie!!!mahal ko! im so sorry!im so sorry!!!huhuhuhu..''

''mahal gumising ka naman jan oh!promise ko sayu pag nabuhay ka ulit,,lagi na kita ibibili nang mga hikaw ,saka mga damit na gusto mo..saka lagi na kita ipapasyal,,saka di na kita paiiyakin,,!!sige na mahal please ,pakiusap,,magbabago nako di na kita sasaktan ,pakakasalan na kita!!please mahal ko gumising ka na!!''(patuloy na sigaw ni gerald sa harap nang kabaong habang humahagulgol sa pag iyak)

at lumapit nalang at nanay nito at hinimas ang likod ni gerald para mahimasmasan..

magdamag na hindi natulog si gerald at sya ang nagbabantay kay jesie at ayaw nyang may ibang magbantay ito sakanya..

anak,,magpahinga kana muna jan,kami na muna magbantay(sambit nang mama ni gerald)

ayoko!dito lang ako sa tabi nang asawa ko!!kami lang muna ang dapat magkasama ngayon para hindi na sya malungkot!(sigaw ni gerald habang humahagulgol sa pag iyak)

umalis nalang ang mama ni gerald at hinayaan nalang nya ito..

...............................................

A/N

naiyak kb?

ako oo e..

nakakalungkot 2ng part nato..

anu na kaya ang mangyayari kay gerald?saka panu nga ba narape si jesie?

abangan sa ating CHAPTER2

part 1..

end of 1 to 13parts of chapter1..

plz coment vote share..slmat

Worth of TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon